Naaalala ko pa ang mahalimuyak naming kahapon. Yung mga oras
na masaya kaming magkapiling. Tila ba kung magsama kami'y wala ng bukas. Ang
malambot nyang labi ay lumilikha ng napakagandang ngiti na para bang nagbibigay
kulay sa malungkot kong puso. Sa tuwing kami'y masayang magkasama ay para bang
gusto naming pigilin ang mabilis na oras. Kapag kaming dalawa ay magkalayo,
pareho kaming nasasabik na makita ang isa't-isa, pareho kaming masayang
nagpapalitan ng mahahabang mensahe na sya ring nagpapangiti sa malungkot naming
mukha. Halos hindi na kami makatulog sa kakapalitan ng mensahe. Alas dose na ng
gabi at para bang kaming dalawa na lang ang gising sa buong mundo. Tahimik na
ang paligid at dinig na dinig na namin ang simoy ng malamig na hangin, pero
patuloy pa rin ang aming kwentuhan.
Naaala ko rin yung maganda naming samahan. Agad naming
inaayos ang nakakainis na mga problema dahil mas pinapairal namin ang aming
matatag na pagmamahalan. Hindi sya nawawalan ng mahahalagang paalala na
nagbibigay sakin ng lakas ng loob. Lagi syang nandyan para magbigay ng liwanag
sa madilim kong buhay. At sa tuwing mayroon akong malubhang sakit ay ramdam na
ramdam ko ang kanyang pag-aalala. At para bang araw-araw pinaparamdam nya sakin
na isa akong taong may halaga.
Hindi natin maiiwasang hindi bumalik sa nakaraan. Nakakalimot
tayong mga tao, pero may mga pangyayareng tumatatak sa isip natin. Lalo na kung
napamahal na yong tao, hindi na natin yan makakalimutan, lalo na syempre yong
mga masasayang alaala.
-John Christian M. Pongan STEM-A-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento