Dumaan man ang mga panahon sa aking
buhay, hindi ko pa rin malilimutan ang mga bakas ng aming kahapon.Mga bakas na
may kakambal ng magkahalong lungkot at ligaya.Sabay namin itong hinarap at
hindi kailanman inisip na sumuko.Iniisip lang namin noon na kakampi namin ang
mundo.Kahit ano man ang mangyari ay sabay at magkasama namin itong hinarap at
tinangap.Ang mga problema ay hindi namin pinoproblema basta ang ininsip lang
namin noon na sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay lagi lang kaming masaya.
Naaalala ko pa nung unang masulyapan ko
ang maamo at maganda niyang mukha,labis na nabighani ang aking mga mata at ang
aking puso.Naisip ko noon na ngayon ko lamang naramdaman ang ganito na para
bang may bumabagabag sa aking puso at isipan.Dumaan pa ang mga araw pero hindi
ko lang pinansin ang aking nararamdaman at ipinawalang bahala lang ito.Dumaan
pa ulit ang ilang mga araw pero talagang hindi na natural ang aking
nararamdaman.Napagpasyahan ko na sabihin ito sa aking mga kaibigan,nagtawanan
sila at sinabi na,sa wakas ay nainlove na din ang loko.Ako naman ay napangiti
na kaunti.Inisip ko na kung talagang pag-ibig na ang aking nararamdaman ay
sinubukan kong magpakilala sa kanya at sa tulong ng aking mga kaibigan ay nakilala
ko nga siya.Mabait siya at hindi snob kaya mas lalo akong nahulog sa
kanya.Hanggang sa bawat uwian sa hapon ay palagi ko siyang sinasamahan at
inihahatid sa sakayan papunta sa kanila.Sa bawat araw ay palagi lang akong
masaya at tila ba wala nang anumang problema.Pero may isang natatanging araw na
talagang lubos na lubos ang aking kasiyahan,yun ay ang araw ng sabado, araw na
sinabi mo sakin ang katagang mahal din kita.Napasigaw at napatalon ako sa tuwa
at sinabing mahal din ako ng mahal ko at kami na.Pagkatapos noon ay umuwi ako
sa bahay na may baon na matamis at hindi maalis na ngiti.Lumipas ang araw na
palagi kaming masaya,anumang mga hamon at problema na dumating ay nalalampasan
at napagtatagumpayan namin.
Hanggang sa isang araw ay bigla na lang
siyang naging magagalitin at palaging mainit ang ulo.Madalas na kaming nag-
aaway dahil sa biglaan niyang pagbago na hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Hanggang unti-unti na siyang hindi nagtetext, hindi tumatawag at hindi na
nagpaparamdam, at tuluyan na ngang nakipaghiwalay siya na hindi ko
pinaghandaan, labis ko itong dinamdam at nasabi sa aking sarili na paano na ang
kinabukasan ng ating kahapon.
-Raymondfred Salac-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento