Nakakahiya mang aminin, ganyan ang palagi kong ginagawa noong ako ay nasa sa elementarya pa lamang. Sa tuwing dumaraan ako sa dati kong paaralan, palagi kong nakikita ang mga batang naglalaro na siyang nagdudulot ng pagkaalala ko sa napakasaya kong nakaraan. Yung tipong hindi ka makapili kapag may pasok dahil gusto mo nang matapos ang klase para makapaglaro na kayo ng iyong kamag-aral. Sa halos halat ng sulok ng kampus ay may makikita kang naglalaro na mga estudyante. May mga babaeng naglalaro ng luksong tinikat chinese garter. Mayroon namang mga nagpapanggap modelo na masayang rumarampa sa stage ng paaralan. Mayroon namang naglalaro gamit ang mga libro na kung sino ang may nakakuha ng mas maraming tao sa isang pahina ay siya ang panalo. Sa mga kalalakihan naman, kahit napakainit ng sikat ng araw, walang segundo sa orasan ang makikita mong walang naghahabulan sa napakalawak na ballground ng paaralan. Mga batang tila naliligo sa kani-kanilang sariling pawis. May mga umaakyat at naglalambitin sa maliliit na puno ng mangga. Mayroon namang nagbabatuhan ng tsinelas at walang pakialam ang isat-isa kung may masaktan man. Yung iba ay namumulot ng mga basurang papel at binalok ng plastik na siyang ginagamit sa paglalaro ng dodgeball. Sa galid ng mga reading centers, nariyan ang mga batang naglalaro ng sipa, gamit ang pinagsamang takip ng softdrinks at straw nito. At ang pinakamasayang laruin ay ang pagbabatuhan ng mga binilog na putik ng magkalabang grupo sa madamong taniman ng cassava.
Napakalungkot isipin na sa pagtanda ay nalilimutan na natin kung paano maging masaya. Bago matulog sa tahimik na gabiat ang pagdilat sa bagong umaga, ang laman ng ating isipan ay ang mga problemang tila napakahirap bigyan ng solusyon. Mas mabuti pang manatili na lang tayo sa ating pagkabata, sa ganitong paraan, may problema man, nariyanm parin ang kasiyahan.
-Isinulat ni: Mark Gil C. Ante-
ano ang layunin nito
TumugonBurahinano ang katangian nito