Huwebes, Nobyembre 24, 2016

Dilim sa Liwanag

Sa panahon ngayon iba't ibang matitinding pagsubok ang nararanasan ng bawat isa sa atin. Minsan, ito ang tumutulong sa atin upang malaman kung hanggang saan ang ating kakayahan. Hindi ito maiiwasan sa buhay ng lahat ng tao. Hindi rin itoinaasahan na dumating sa atin. Ang pagsubok sa buhay ay iba-iba, may magagaan at meron namang mabibigat na ating nararanasan. Kailangan lang nating maging matatag, at gawin ang nararapat upang ito'y malampasan.
Minsan, kung akala natin na okay ang lahat bigla itong darating. Sa gitna ng maayos at magandang kalagayan, nararanasan ito. Kadalasan, ang pagsubok ay nagiging malaking problema, problema na mahirap maintindihan at malampasan. Kailangan nito ng matalinhagang metodo at matinding aksyon. Bilang tao, minsan sa laki ng pagsubok na dumaraan sa atin nawawalan na tayo ng pag-asa. Pinanghihinaan tayo ng loob at nawawalan ng gana sa lahat ng bagay. Kailangan lang natin itong maintindihan upang ating malaman kung ano ang ating nararapat na gawin.

Ang dilim sa liwanag ay mga di-magandang karanasan na dumarating sa gitna ng maliwanag o makulay na buhay ng tao. Sa anumang kalagayan hindi ito maiiwasan, kailangan ng pagtitiyaga, mahabang panahon, at matinding pananalangin sa ating mabuting Diyos. Alam naman natin na sa gitna ng matitinding pagsubok ay palaging may perpektong sulusyon. Sukusyon na sagot sa anumang problema o proseso na nasasagot ang ating mga malalim na katanungan. Hindi natin alam kung ano, at saan ito darating, kaya dapat lagi tayong handa sa anumang maaaring dumating na pagsubok. Hindi naman tayo makakaranas ng pagsubok na hinfi natin kayang lampasan. Lahat ng problema ay may natatagong sagot, sagot na sulusyon sa ating mga kakaibang karanasan. 

-Emmanuel Collantes-

1 komento: