Miyerkules, Nobyembre 30, 2016

Sentimong Papel

                Ano nga ba ang dapat gawin ng mga taong hirap sa buhay? Kabataang hindi makapag-aral o makabili ng magagandang damit matakpan lang ang kanilang kahirapan. Kahirapan ang problema ng taong bayan lalo na ang mga kabataang hindi matustusan ang gastuhin sa paaralan. Kulang pinansyal o suporta sa pag-aaral. Dahil Edukasyon ang tanging daan para mawala ang kahirapan. Upang masailayan ang liwanag na ninanais ng mga taong gugo’t pawis ang kanilang yaman, makapagsibak lamang.
                Isang malapad na papel at isang ballpen  ang tanging hawak ng mga taong nag-aaral, dahil sa kahirapan at kulang pinansyal sa edukasyon di man lamang nila ito mahawakan. Mahawakan ang tagumpay tungo sa maganda’t tahimik na pamumuhay. Mga buwayang gutom na opisyal sinasamba ang perang hinablot kinuha sa bayan. Hindi man lamang matulungan ang mga taong naghihintay ng magandang bukas upang maabot ang kanilang sinamsam na tagumpay. Ginagamit nila ang pera ng bayan sa mga walangkahihiyan na mga gawain. Talagang skim sila sa pera o kaban ng bayan.
                Paano sila matutulungan? Kung ang  ating mga opisyal salat sa yaman at tayo’y pinaglalaruan lamang. Dapt silang parusahan sa kumukulong nag-aapoy sa bunganga ng bulkan. Para maranasan ang hirap at sakit na dinanas ng mga taong buong puso at pasakit ang kanilang ginawa para lamang magkaroon ng magandang pamumuhay. Edukasyon ang tanging gabay para matulungan ang mga taong  nahahangad ng magandang kinabukasan.
                Ano ang dapat gawin ng mga kabataang hindi makapag-aral, dahil sa kulang pinansyal. Nag-aaral ng mabuti upang makapagtapos makakuha’t magsuot ng toga at diploma. Masarap sana sa pakiramdam kung sila’y makapagtapos sa pag-aara, dahil sa kulang pinansyal hindi nila matutupad ang liwanag upang makaalis sa kadiliman na kanilang lumalamon sa pagkatao nila. Sana magising ang mga taong gustong makaahon at makalasap ng magandang buhay.  Tulungan sana sila ng pamahalaan na hindi buwaya na lumalamon ng pera. Para naman mawala ang problema sa kahirapan.
                Nasaksihan natin kung ano nga ba talaga ang dinadanas ng mga taong naghahangad ng kinabukasan makaahon sa mabagsik at masalimuot ng kahirapan. Buksan ang isipan, magsalita’t magtulungan upang mawala ang mga  kumukuha ng kaban ng bayan para hindi maghirap ang bayan na atin kinatatayuan. Dahil ditto tayo ipinanganak ditto rin tayo aangat para malagpasan ang hamon ng buhay sa atin lalung-lalo na sa mga taong naghihirap ngayong panahon.


Isinulat ni:            
Dorken D. Nantes

Martes, Nobyembre 29, 2016

Alaala sa Piling Niya

                Abuhing buhok, kulubot na balat, at mga matatamis na ngiting nakapagpapalubag ng kalooban na puno ng bagabag- iyan ang impresyon na pumapasok sa aking isipan sa tuwing sinasambit ang salitang “lola”, ngunit ito rin ang siyang salita na nagbibigay-kirot sa aking puso. Alam ko na bawat isa sa inyo ay may iba’t-ibang karanasan sa piling ng inyong lola, ngunit nais ko lamang na ibahagi at ilarawan sa inyo ang aking pinakamamahal na lola at kung bakit kailanman ay hinding-hindi ko siya malilimutan.
Sa isang barangay sa lungsod ng Naga matatagpuan ang  munting tahanan ni Lola Ehms. Nakatira sila lola sa tinatawag nilang Urban Poor, kung saan ang mga mamamayang payak at walang gaanong kasaganahan sa buhay ay pinapayagang manirahan. Sa pagbungad sa maliit na kalye patungo sa kanilang bahay ay mamamasdan ang mga makailan-ilang mga nananatili pa roon. Karamihan kasi ng mga bahay ay abandonado na o kaya’y giba-giba na matapos na bilihin umano ang lupa kinatitirikan ng mga kabahayan.  Payak lamang ito, hindi konkreto at halos pinagtagpi-tagpi na lamang ang mga pader, plywood, at mga parte ng ginibang bahagi ng bahay nila, bagama’t narito parin naman ang kalahating kabuuan ng bahay. Sa pagpasok  ay maririnig na agad ang magiliw o paminsan-minsan ay malungkot na makalumang tugtugin na makalagay sa mga cassete na siyang meron parin kami. Ito ang paboritong musika ng aking lola na kadalasa’y sinasabayan pa niya sa kabila ng kahirapan niya sa pagbigkas at maya’t-mayang malalim na paghugot ng hininga. Naroon siya’t matiwasay na nakaratay sa kaniyang kama habang nakatingin sa kawalan at inaawit ang musikang tila siya na lamang na nagbibigay-liwaliw sa kaniya. Sa aking pagbati ay hinahalikan ko siya sa kulubot niyang mga pisngi at tuwing makikilala niya ako ay susuklian niya ito ng matamis na ngiti at maligayang pagbati. Nariyan ako’t hahaplusin ang kaniyang abuhing buhok habang patuloy siya sa pagsasaad kung gaano siya kasabik makita ang kaniyang pinakamamahal na apo at kasabay nito ay ang  pamumuo ng luha sa gilid ng kaniyang mga matang nagniningning tulad ng mga bituin. Tunay na kahabag-habag ang sitwasyon ni Lola Ehms, halos kalahati na ng kaniyang ulo hanggang paa ay paralisado kung kaya’t kakikitaan siya ng pangangayayat sa kabila ng malalaki niyang buto at paminsan-minsan ay pamamaga ng katawan sa di alam na dahilan.Dahil sa paralisadong estado ng kaniyang katawan ay pautal-utal niyang sinasambit ang mga salita. Nariyan kami upang umalalay sa kaniya sa kaniyang mga pangangailangan tulad na lamang sa pag-inom niya sa basong may straw at pagpapaupo sa kaniya sa upuan. Alam kong nahahabag rin ang kapatid nila Mama kay Lola, ngunit sinisikap naming na itago iyon sa mga pabiro nilang pangungulit kay Lola, pagsabay sa bawat pilit na pag-awit niya o kaya’y sa magiliw na pagsasayaw sa makalumang tugtugin na aming nakasanayan.
Pasko ang paborito niyang parte ng taon. Noong nakakagalaw pa siya ay walang mintis ang kaniyang paghahanda sa Christmas tree na tulad ng mga makaunang uri nito na kailangan pang isa-isang lagyan ng mga piraso ng luntiang papel de hapon sa loob ng mga butas ng chicken wirena nakapalibot ng pabuka mula sa itaas pababa sa isang metal na poste. Matapos nito ay sasabitan niya ito ng sari-saring mga ornamento tulad na lamang ng nagkikintabang mga Christmas balls at mga maliliit na pigura ng mga anghel. Huli nito ay ang pagpulupot niya ng Christmas lightsna nagsasayawan ang mga ilaw sa iba’t-ibang kulay at siyang nagbibigay ng hiwaga sa Christmas tree, sa kabuuan ng bahay, at sa aming pagdiriwang ng Pasko. Nariyan din ang hilera ng mga mahahabang medyas na punong-puno ng mga kendi at prutas na madalas ay kahel o kaya naman ay mansanas. Hanggang noong huling pagdiriwang naming ng Pasko ay sinikap naminna ipagpatuloy pa ang tradisyong kaniyang sinimulan. Lingid sa aming kaalaman ay iyon na pala ang huling pagdiriwang naming ng Pasko kapiling siya.
Nitong Oktubre lamang, habang nakaupo si Mama sa maliit naming sofa ay nakatanggap kami ng kahindik-hindik na balita. Bakas ito sa tono ng boses ng aking ina na siyang sinundan ng walang-tigil na pag-agos ng kaniyang luha.  Kaba, takot, kirot, lungkot, pangungulila, pagkabalisa-iyan ang sabay-sabay na emosyong umagos sa aking sarili. Hindi ko rin naiwasang makaramdam ng pagkapoot sa aking sarili. Isa lang ang naglalaro sa aking isipan- hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya. Napuno ng hindi masukat na kalungkutan ang bahay.
Litrato ng isang nakangiting Lola Ehms ang aming nasalubong na punerarya. Katabi nito ang malaking kandila na siyang nagbibigay-liwanag sa kaniyang maaliwalas na mukha. Sa harap ng hilera ng mga puti at malalambot na sofa ay ang kaniyang hinihimlayan. Simputi ito ng mga alapaap na may mga disenyong ginintuan. Pinalilibutan ito ng sari-saring mga bulaklak; malalaki, maliliit, de poste at naka-boquet, at napapatungan ng mga puti o lilang laso kung saan nakasulat ang mga pangalan ng nagbigay ng mga ito na siyang nagmamahal sa kaniya. Mistula lamang siyang mahimbing na natutulog sa kaniyang higaan, ngunit sa pagkakataong ito ay tila wala nang idinadaing na sakit o hirap sa paghinga. Payapa na siyang natutulog sa magara niyang puting bestida at koloreteng siyang nagbigay-buhay sa kaniyang mukha. Muling natipon ang malaki naming pamilya, ang siyam niyang mga anak na masasabi naming literal na malalaki dahil sa halong kalahating Espanyol na dugo ng pumanaw niyang kabiyak, at ang kaniyang mga apo na siyang nabahagian rin ng parehong katangian. Namumugto ang aming mga mata ngunit sa kabila nito ay pumipilit parin na ngumiti. Iyon ang mahalagang ibinilin ni Lola, aniya,”Bawal ang malungkot. Dapat masaya lang palagi”. Sa kabila naman kasi nito ay alam naming natapos na ang tatlong taong paghihirap ni lola habang nakaratay siya sa kaniyang higaan at sa pag-inom niya ng napakaraming mga gamot na siya na lamang na pumapawi sa sakit at mga karamdamang kaniyang naranasan. Sa  kalaliman ng huling gabi ng lamay inalayan siya ng isang natatanging handog atpagbabalik-tanaw sa magagandang alaalang kaniyang iniwan. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng maiinit na likido sa aking mga mata at ang paghapdi at pagkirot ng aking puso habang isa-isang ipinapakita ang mga larawan niyang nakangiti. Isang larawan ang talagang nagdulot sa akin ng matinding kalungkutan at pangungulila dahilan upang mapakawalan ko ang di ko inaasahang paghagulhol at paghikbi. Ito ay ang larawan noong pagdiriwang namin ng Araw ng mga Ina. Lubos ang ligaya at giliw na kaniyang ipinamalas ng araw na iyon. Nakasuot siya ng paborito niyang kulay-atsueteng bestida at siya mismo ang nagsabi na kunan kaming dalawa ng litrato. Suot niya ang pinakamaaliwalas at pinakamatamis niyang ngiti habang nakatitig sa kamera at katabi ang kaniyang apo. Wala siyang sumpong at sakit na dinaing ng oras na iyon. Iyon ang pinakanatatangi naming litrato sa lahat. At iyon rin ang litratong siyang nagsisilbing alaala ng samahan naming ng pinakamamahal kong lola.
Makukulay at masasayang alaala ang aking ipinapanatili sa aking isipan tuwing naiisip ko ang pinakamamahal kong Lola Ehms. Nariyan siya sa tuwing bibisita ako sa aming payak ngunit maligayang tahanan sa Naga, sa aking pag-inom ng maligamgam na gatas na pareho naming paborito, sa pagkain ng malapot na ginataang kalabasa at maalat-alat na tuyo, sa pakikinig ng mga makalumang tugtugin at mga kundiman sa radyo tuwing linggo, at sa paghahanda ng mga makukulay at kumikinang na mga ornamento sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Kailanman ay hindi lilisan ang mainit niyang pagmamahal at pag-aaruga sa akin. Ito ang huli at madamdaming mensahe niya napaulit-ulit niyang sinambit at iniwan sa aming lahat bago niya kami lisanin- “Mahal na mahal ko kayong lahat!”.


 Isinulat ni:
AJ Isidro G. Belaro


Lunes, Nobyembre 28, 2016

Hinagpis sa Pagitan ng mga Alapaap


     Mga luhang pumapatak sa bawat mata ng isang pamilya habang pinagmamasdan ang isang kulay puting ataul na may nakapaligid na mga bulaklak na mga nakalagay na "Rest in Peace"e at "Condolence". Isang pangyayaring kailanman ay hinding-hindi inaasahan ng sinuman sa kanila. Ngunit hindi niya inaasahang mangyayari ito sa tulad niya.
     Labing-limang buwan bago maganap ang karimbal -rimbal na pagwawakas ng isang buhay, ang kanyang pamilya ay masaya kasama siya. Ngunit isang pangyayari ang sumubok sa kanilang katatagan at naging dahilan upag magbigay sa kanyj ng pagkakataong mangibang bansa. Ito ay ng malaman nila na ang kanilang pinakamamahal na bunsong anak ay may malubhang sakit na Pulmonary Heart Disease, stage 3. Ang kanilang pamilya ay nagulat ng malaman ang kalungkot-lungkot na balita na nagmula sa bibig ng kanilang doktor. Ito ay nagdulot sa kanila ng hinagpis at kalungkutan. Ang balitang iyon ay tila punyajn na dahan-dahang tumutusok sa puso ng mag-asawa at unti-unting pumapatay sa kanilang mga pag-asa. Lahat ng ipon at lahat ng mga luho na naipundar ng mag-asawa ay naubos. Sila ay naghirap, naglugmok at nalubog sa utang, at para mabayaran ito kailangan nilang pag-ipunan ito kaya nagpasya ang babae na magtrabaho sa ibang bansa.
     Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan, di ito naging dahilan upang mawala sa landas ng Diyos. Dahil sa kasipagan at kabaitang loob ng babae ng siya ay nag-apply sa isang agency, siya ay nabigyan ng Visa Express upang makapagtrabaho sa ibang bansa. Makalipas ang dalawang buwan ay nagpasya na ang babae umalis. Hindi man magiging madali para sa kanya at sa kanyang pamilya ang kanyang paglisan, masaya na lamang ito tinanggap ng pamilya.
     Pagkasakay na pagkasakay niya sa eroplano ay ang agad naman nitong pag-alis. Ang kanyang biyahe patungo sa bansa arabo, Saudi Arabia ay umabot ng labing dalawang oras o katumbas ng kalahating araw. Sa kanyang pagbaba, ramdam niya ang hapdi ng nagbabagang araw na dumadampi sa kanyang balat. Ang babae ay nakaramdam ng takot at kaba sa kanyang dibdib sa pagdaan niya sa isang makipot at mabahong eskinita patungo sa bahay ng kanyang mga amo.
     Pagkatok niya sa pintuan nito ay ang agad naman na paglabas ng isang lasing, mabalbas at mukhang bakulaw na lalaki, tiningnan siya nito ngunit binabaan niya na lamang ito ng tingin bilang pag-iwas. Ang babae ay tumuloy naman at binigyan ng tagubilin ng kanyang among babae, asawa ng lumabas na lalaki. Maganda ang turing ng babaeng amo sa kanya ngunit sa pagdaan ng mga araw, nakakaramdam siya ng takot at kaba sapagkat ramdam niya na tiningnan siyang lalaki pero pinabayaan nya lamang ito at tinuon ang sarili sa trabaho. Mahirap ang kanyang naging buhay sa Saudi Arabia, sa bansang ito tinuturing na ginto ang butil ng bigas. Mahirap din ang komunikasyon kaya isaang beses lamang sa isang buwan kung makipag-usap sa kanyang pamilya. Pero dahil sa kanyang pagtitiyaga at determinasyon siya ay nagtagal ng isang taon. Ngunit isang araw nagbago ang lahat, ang magandang trato sa kanya ng kanyang among babae ay nawala. Pinagbubuhat na rin siya nito ng kamay. May mga pagkakataong sinisigawan sya, minumura at pinagsasalitan ng di maganda. Hindi na rin siya pinapalabas ng bahay  at makipag-usap ra kanyang mahal na pamilya. Sa kamay ng amo ay naranasan nyang paluin siya ng tubong bakal, pasuin ng nagbabagang kahoy, kinukulong at di pinapakain ng dalawa hanggang tatlong araw. Wala siyang magawa sapagkat wala sya lakas para lumabas at magsuplong sa kinauukulan.
     Isang gabi, habang siya ay natutulog nakaramdam sixa ng magaspang na mga kamay na humahaplos sa kanyang katawan. Natakot siya. Pagdilat niya ng kanyang mata nakita niya ang kanyang lalaking amo na magtatangkang halayin siya. Wala siyang magawa sapagka di pa sya kumakain ng dalawang araw at wala sixang sapat na lakas upang lumaban sa lakas ng lasing na lasing na lalaking iyon. Hindi niya iyon inaasahan, ang tanging nagawa niya lamang ay ang umiyak ng umiyak habang hinahalay siya nito. Matapos mangyari ang gabing iyon, siya ay naging tulala at tila ba halang na ang kanya utak dahil sa nangyari. Akala niya ay hindi na ito uulitin ng kanyang amo. Ngunit sa tuwing na lasing ito ay ginagawa ulit iyon sa kanya. Hindi nya naman ito maisabi sa kanyang among babae sapagkat pinagbantaam sya nito na papatayin siya nito. Ang panghahalay ay naganap sa loob ng apatnapung araw. Hindi na niya nakayanan ang ginagawa sa kanya, nagsimula siya na tanungin ang Dios. Dahil mga pasakit at paghihirap ang nararanasan niya sa kabila na ang gusto niya lamang ay mapabuti ang kanyang pamilya.

     Isang araw, hinahanap siya ng kanyang among babae sapagkat nalaman nito na may relasyon sila ng asawa nito na alam niyang hindi iyon totoo. Pagkabukas nito sa kanyang kwarto, tumambal ang walang buhay at nakahandusay na babaeng may laslas sa leeg. Nakita ng babaeng amo niya ang isang sulat sa kama nito na nagsasabing "Sana ay mapatawad kayo ng Diyos ma'am at sir……at sana po ay maisauli po nhnyo ang katawan ko sa aking mahal na pamilya."


Isinulat ni:             
Mike L. Pormalejo

Bugso ng Damdamin:Pag-ibig para sa Kabataan

          Masakit, masaya at mahirap ang kadalasang sagot ng kabataan kung tatanungin tungkol sa pag-ibig. Mapapansing gustong-gusto nola ang paksang ganito. Basta kwento ng pag-ibig lahat interesado, lahat bukas tenga, laki mata, tulo laway pati sa tenga. Isang misteryo pero nakakatuwa dahil pati mga musmos na bata ngayon na may mga kulangot pa sa ilong ay masyadong interesado pati nga ang mga dumadangundong na halakhak ng mga matatanda ay maririnig pero ang tanong bakit nga ba? simple lang dahil ito'y dulot bugso ng damdamin, pag-ibig sa  diksyunaryo ng kabataan
.
          Sabi ng lola ko, masyadong sagrado ang pagmamahal kaya 'di dapat binabasta-basta lang pero sa tingin ko ngayon hindi na marami ka na ngang makikitang kung maghalikan ay parang motel ang kalsada, meron ding iba na parang magkadikit na kambal ipinanganak, alam mo 'yung mga taong parang linta kung dumikit mukangt nakakatakot yun naninisip pa naman ng dugo ang mga 'yon.Minsan ko ng tinanong ang mga taong ito kung bakit nila ito ganagawa ,ang sabi ba nama'y "that's how we express our love, you old fashioned dummy"  nakakainis, nakakairita parang gusto kong gunit-gunitin, apak-apakan hanggang madurog  at sabay tapon sa basurahan ang mga mukha nila na para ng coloring book sa bami ng make-up na inilagay nila.

           Pero meron din namang iba na iba ang estratehiya, may pabebe pa silang nalalaman resulta'y mukha na silang inipit. Nakakatuwa ang mga ganun, sumasakit talaga at parang bumaliktad ang sikmura ko. Alam mo 'yung mga tipo ng tao na para naiihi lang maglakad. Hello! available namn siguro ang mga public C.R sa Pilipinas kahit na minsa'y sobrang masalimuot talaga ang amoy.

           Pero mas may hit itong sasabihin ko, 'yun ay 'yong minsang gumala kami ng pinsan ko. akto ba namang nakita namin 'yung babaeng nag-confess sa MALL. Syempre 'di sya  maririnig ni guy ang nangyari naqgalit si girl at umalis, itong pinsan ko nag-apply ata sa Sagip Kapamilya Foundation at humaba masyado ang buhok at 'yun largado na. Naiwan ako sa estado ng pag-iisa. Eh 'di sila na may lab layp, parang 'di naman sila mapaghihiwalay ng bongang-bonga.

           Meron din namang mga taong pa-cool kung baga. Sasabihing walang feelings pero meron naman pala. Hindi daw kinikilig pero parang humawak sa bolta-boltaheng kuryente sabay sayaw ng nakaiindak na kantang gimi-gimi ni Psy. Nakakatuwa talaga sila para silang mga takure na nakasangkal sa naglalagablab na apoy ng hurno, pa-cool lang pero kumukulo na sa loob.

           Pero ayaw ko rin namang maging parang tinadtad na giniling na pinadaanan muna ng sapak at suntok mula sa mga PAPOGI'T PAGANDA ng masa, mga cassanova kuno, yung mga tao taong piling nila mga gwapo't maganda sila. Pa-famous kung baga wala naman talaga. sila ang grupo ng mga paasa. Parang mga pwet ng kalabaw na linagyan ng harina ang mukha masyadong kumapal kaya nagyabang. Gusto kong sabihin sa kanila na kulang nalang ng mapupulang kamatis ang pagmumukha nila para naman ma-qualify silang "clown" kasi sabihin ko sa inyo hindi ko alam kung ano'ng itatawag ko sa kanila mga homosapclown siguro kabilang sa kingdom animactus clowntektus.

           Ngunit, subalit, datapwat, gayunpaman may mga tao naman talagang hindi mainlab inlab pero mag-ingat iba ito sa mga taong nainlab at piniling 'di na mainlab ulit, yung mga taong nagdeklara at nagsulong ng |"no love life, no love ache".Sila yung mga tipo na minsang umibig pero nabigo at maagang naranasan ang saklap- at dusa sa pag-ibig, mga taong nagsabing tinamaan ng pana ni kupido kaya sigro dahil dulot ng modernisasyon naghang at nasira ang system ng pagmamahalan.Sila yung mga taong takot ng umulit 'di na hinipan 'yung kaninng mapaso at lubusang dinura sabay tapon sa baboy ng kapitbahay. Gayunman tulad ng sinabi ko may  mga tao talagang hindi mainlab inlab, naubusan yata ng pana si kupido at saktong sa mga kaawa-awang ito nangyari ang malagim na trahedyang iyon ni kupido. Marami pang ibang klase nito pero masyado ng mahaba kaya tama na muna itosabi nga,"Everything has it's own destined time "

           Suki talaga ako ng buhay ng tao, masaya akong pagmasdan ang mga buhay nila sa simpleng mundong ating ginagalawan. Pero buong akala ko ang obserbasyong ito ay magtatapos lang dito hindi pa rin pala nakalimnutan kong sabihin ang kapus-kaplarang kinahahantungan ng sibat ni kupido. kaganapan sa gitna ng daan at hindi sa hulihan naging hit na hit na produkto nito  ang malakristal na bagay na ito, luha.Masyadong nagiging mapusok ang mga kabataan ngayon  akala nila ang unang pagtibok ng puso ay pag-ibig na pero, mali kayo ito ang tinatawag na bugso ng damdamin. Mag-ingat na lang kayo dahil mahirap itong pigilan at lalong mas mahirap alisin sa sistema lalo na kung bata pa at nasa edad ng pagsibol at kapusukan. Hindi masama ng maginlove , mamili lang  ng dapat  dahil baka sa huli sabihin mo ring,"Impyerno ang pag-ibig lalo na sa aking kabataan"


                                                                        
                                                                                                 Isinulat ni: Kristina Marie R. Bermejo       

Linggo, Nobyembre 27, 2016

Sa Likod ng Uniporme

                    Sa limang taon kong pag-aaral sa paaralan ng San Rafael ay tila nakabisado ko na ang  mga mag-aaral dito na kung tawagin ay Rafaelites. Sa tuwing sasapit ang umaga, mabilis pa sa kabayong may karera kung ako’y maghanda upang maiwasan ang pagiging huli sa klase. Ngunit sa aking pagdating sa paaralan, malayo pa lang ay rinig ko na ang tinig na nanggagaling sa unipormeng kulay dugo na may dalang paalala sa mga tamad na gumising ng maaga. Nalulubos ang aking paghanga  sa kasiyahan sa kanyang mukha tuwing si haring araw ay pinanonood na siya habang ang mga naka unipormeng kulay kayumanggi ay hindi matawarang sumisigaw ng kagalakan sapagkat nasa labas pa sila ng kwadradong pader. Ngunit ako’y napatakbo na lamang sapagkat mahirap ng kumawala sa nanlilisik na paningin ng taong nakaabang sa pintuan ng aming silid. Halos matuyo ang aking lalamunan sa dali daling pagtungo sa aking upuan. Sa apat na pader na ito ay mapapansin mo ang iba’t ibang uniporme. Mga unipormeng may matang nahahadlangan ng kasing kapal ng diksyunaryo sa silid-aklatan na salamin na gumagawa ng kanilang mga takdang aralin. Sa aking kanan naman ay matatanaw ang mga kasing linis ng sulatang papel ang pagmumukha na aakalain mong may mabigat na pinagdadaan sa buhay ngunit wala naman pala sadyang nakikinig lamang sila sa mga usong tugtuging galling sa kanilang mga gadyets. Sa may bintana naman, mapapanood mo ang pagpatak ng mga mapapait na butil ng tubig galing sa mga mata na dulot ng kabiguan, sila ang susunod na mga manunulat ng mga hugot lines ni Papa Jack.

            Sa likod naman, bagamat na malayo na sa aking kinauupuan ay maaaninag ang mga unipormeng na nakahiga sa sahig na masayang nakapatong ang mga ulo sa malulusog na binti ng kanilang mga katabi habang abala ang kanilang mga kamay sa pagpindot ng kanilang mga cellphone.  Ang iba nga ay himbing na himbing sa pagtulog sa ilalim ng mesa sapagkat natalo sa pustahan ng larong dota. Ngunit sa aking paglilibot sa paaralang ito ay marami akong natuklasan. Sa paglalakad ko sa hallway ay masisilayaan kaagad ang mga huwarang modelo na tila inubos ang gel sa tindahan ni Aling Javar upang maayos lamang ang kanilang mga pamatay insektong ulo na ang iba nga ay di -kulay pa.Mayroon din mga magagaspang na dila na walang pagod sa pagpapantasya sa kanilang mga hinahangaan sa katabing kwarto. May mga mapupulang kamatis  rin na konting kembot na lang ay magpapalit na sila ng maliit na salamin sa itim na sasakyan ni Ginoong Parza. Sa pagtungo mo naman sa canteen, madadaanan mo ang paglipad ng mga diyosang pinagkaitan ng katawang Eva na may malapipinong balat, mga kumikinang na mata at nagrorosas na pisngi at labi. Patungo naman sa kinaroroonan ng silid-aklatan ay nakakumpol ang mga bibong uniporme na may iba’t ibang kulay ang mga labi dulot ng lips kendi na sabik na sabik ibahagi sa kanilang mga kasama ang mga nasagap na malulutong na balita sa campus. Habang ang ibang uniporme naman ay kay sayang ipinta ang mga mukha na masasayang nakikiramdam lamang sa kanilang paligid. Ngunit hindi mo matutuklasan kung hindi mo tutunguhin ang likod ng mga gusaling iyon, mga unipormeng nag-uusok na galing sa sinisipsip na rolyong papel na kung minsan ay pinapangalanan nilang fortune na nagsisilbing pananghalian at meryenda sa mga natitirang araw ng pasukan.

                 Sa pag-iikot mo sa paaralang ito, iba’t ibang klase ng uniporme ang iyong makakasalamuha ngunit sila ay may iisang pangarap sa buhay. Ang makapaglakad sa mahabang red carpet kasama ang kanilang mga magulang dala ang maputing papel na nagpapatunay na sila ay nakapagtapos na sa pag-aaral. Sa paglaon ng panahon, kanilang maiintindihan at babalik-balikan ang mga alaala ng mga unipormeng minsa’y kulay dugo sa tuwing sila ay may ginagawang masama. Sa kanilang paglisan kasama ang kanilang mga pangarap sa paaralang ito, ay dala-dala nila ang mga pangaral na humubog sa kanilang pagkatao.

“Kasiyahan ng Nakaraan”

              Napakasarap tingnan ang mga bata na masayang naglalaro na tila wala nang bukas. Pawis na tumatagiktik sa ilalim ng mainit na araw. Mga paang sa sobrang dumi ay mapapatawa ka talaga. Mga unipormeng puno ng putik at napakabaho kung iyong aamuyin. Pero sa kabila ng lahat ng iyan, mapapansin mong walang pakialam ang mga bata na tila gagawin nila ang lahat, makapaglaro lamang.
Nakakahiya mang aminin, ganyan ang palagi kong ginagawa noong ako ay nasa sa elementarya pa lamang. Sa tuwing dumaraan ako sa dati kong paaralan, palagi kong nakikita ang mga batang naglalaro na siyang nagdudulot ng pagkaalala ko sa napakasaya kong nakaraan. Yung tipong hindi ka makapili kapag may pasok dahil gusto mo nang matapos ang klase para makapaglaro na kayo ng iyong kamag-aral. Sa halos halat ng sulok ng kampus ay may makikita kang naglalaro na mga estudyante. May mga babaeng naglalaro ng luksong tinikat chinese garter. Mayroon namang mga nagpapanggap modelo na masayang rumarampa sa stage ng paaralan. Mayroon namang naglalaro gamit ang mga libro na kung sino ang may nakakuha ng mas maraming tao sa isang pahina ay siya ang panalo. Sa mga kalalakihan naman, kahit napakainit ng sikat ng araw, walang segundo sa orasan ang makikita mong walang naghahabulan sa napakalawak na ballground ng paaralan. Mga batang tila naliligo sa kani-kanilang sariling pawis. May mga umaakyat at naglalambitin sa maliliit na puno ng mangga. Mayroon namang nagbabatuhan ng tsinelas at walang pakialam ang isat-isa kung may masaktan man. Yung iba ay namumulot ng mga basurang papel  at binalok ng plastik na siyang ginagamit sa paglalaro ng dodgeball. Sa galid ng mga reading centers, nariyan ang mga batang naglalaro ng sipa, gamit ang pinagsamang takip ng softdrinks at straw nito. At ang pinakamasayang laruin ay ang pagbabatuhan ng mga binilog na putik ng magkalabang grupo sa madamong taniman ng cassava.
Napakalungkot isipin na sa pagtanda ay nalilimutan na natin kung paano maging masaya. Bago matulog sa tahimik na gabiat ang pagdilat sa bagong umaga, ang laman ng ating isipan ay ang mga problemang tila napakahirap bigyan ng solusyon. Mas mabuti pang manatili na lang tayo sa ating pagkabata, sa ganitong paraan, may problema man, nariyanm parin ang kasiyahan.
 
                                                                                                            -Isinulat ni: Mark Gil C. Ante-


Kadiliman Patungo sa Liwanag

  
      Maraming mga tao ang nagsimula sa likod ng mga anino, maaaring may nangyaring karanasan na di malilimutan o sadyang sinadya talagang pinili ang daan sa dilim. Maraming paraan, at lahat ng tao ay may pag-asang bumago at sila rin ang magdedesisyon kung mananatili sila sa dilim o handang bumago at sundan ang daan patungo sa liwanag.
      Pinili ng tao na kumapit sa dilim, hindi dahil sa ginusto nila ito kundi dahil sa nawalan ng importante sa buhay, nawalan ng pag-asa, mga kakulangan at iba pa. Kasanayan rin natin itong nakikita sa mga taong wala nang magawa sa mahal na buhay na binigay ng Panginoon. Hindi man lang naisipan na pahalagahan ito, at sasanayin lamang sa masasamang bagay at kung saan ang masasaya at mababait na tao ay naapektuhan. Unti-unting nasasanay ang mga tao na gumawa ng lagim sa tao. Sa kapit at lakas ng dilim, unti-unti na ring nawawalay ang mga tao sa piling ng mahal na Panginoon.
      Pinili ng Panginoon na mag-exist ang kasamaan sa mundo, dahil sa ating "free will". Tayo ang pipili at nagdedesisyon kung lagim ng kadiliman o kaginhawaan ng liwanag ang pipiliin natin. Para sa mga taong nakagawa ng kasalanan, huwag mag-alala sapagkat ang Diyos ay nagpapatawad maging napakalalang bagay man ito sa paningin ng tao. Lahat ng mga tao ay binibigyan ng mahal ng Panginoon ng pag-asa para bumago dahil sa masasamang karanasan at kalimutan na lamang ang mapait na nakaraan.
      Sa mga dating nakakapit sa dilim, patunay lamang itong walang makakatumbas sa lakas ng liwanag laban sa temptasyon ng kadiliman, kadiliman na inaatake an mga tao sa oras ng mahina ang loob, saksakan nag problema at kung ano-ano pa. Lahat ng mga tao ay kinakapitan lamang n kadiliman sa limitadong oras, oras lamang ang pwedeng umayos a mga nasira at mapapait na nakaraan, sa oras na mahanap nito ang, dito na maaaring mapalitan ang desisyon at piliin ang daan patungo sa liwanag na kung saan lahat masasaya at iwas sa mga problema.


                                      Isinulat ni:
                                      Louis David Palo

Sabado, Nobyembre 26, 2016

Bituing Walang Ningnig
ni Unique Faye Dadis

Mabaho, madumi, gusgusin, patay-gutom at hampas-lupa. Iyan na lamang kung matawag ang mga batang lansangan. Sa panahon ngayon, di na bago sa ating panignin ang makakita ng mga batang palaboy laboy sa lansangan. Naliligaw ng landas, walang matuluyan, kumakalam ang tiyan, salat sa kaalaman, walang sapat na panustos sa pangangailangan at tila ba’y nagaabang na lang ng panganib sa gitna ng nanganganib na gabi. Taon–taon na lamang kung lumulobo ang populasyon ng mga kaawa-awang kabataang ito. Karamihan sa kanila’y nagbabanat na ng buto na wala pa sa hustong gulang makaraos lang ng araw na makakain kahit isang isang beses lang. Ano kaya ang mangyayari kung patuloy na lamang na madaragdagan ang mga batang malabo ang kinabukasan?

Kung iyong napapansin, karamihan sa mga batang lansangan na ito’y produkto ng wasak na pamilya o di kaya’y produkto rin ng napariwarang landas. Hindi nila ginusto ang kinalakihan nilang buhay. Tulad ng iba, sila ay patuloy ring nangangarap na makaahon sa hirap na dulot ng buhay. Umaasa na balang araw makaranas rin ng ginhawa sa buhay. Ngunit di mapagbigyan ng pagkakataon.

May mga pagkakataong sadyang mahirap unawain ang kanilang paguugali, dala ng lugar na kinalang kinalakihan. Karamihan sa kanila’y lumaki ng walang ideya sa kung ano ang kanilang ginawa o ginagawa. Dahil sa kakulangan sa atensyon at tamang paggabay ng magulang, sila’y madaling maimpluwensyahan. Marami sa kanila’y natututo na ng mga bagay na di naaayon sa kanilang gulang, maging sa batas ng Diyos at ng tao. Sa murang edad pa lamang, sila’y natututo na ng mga bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, pakikipagpustahan, at maging pagmumura at pagnanakaw.

Minsan, sa paglalakad natin sa lansangan ay may kikilibit na lang bigla sa ating likuran. Iaabot ang kanilang munting mga kamay at mamalimos, hihingi ng kaunting tulong. Kaawa-awa nga kung sila’y titingnan, ngunit nakakabahala rin. Ilan sa kanila’y hawak ng mga sindikato. Pinaglilimos, pinagtatrabaho at kung minsan nama’y pinagnanakaw o pinaggagawa ng anumang krimen na may kinalaman sa pagkita ng pera. Di man nila gusto, mapipilitan nalang silang gawin ang mga ito huwag lang mapagalitan, mabugbog o mapagbantaan ang buhay.


“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” ika nga. Kung kaya kailangan silang gabayan ng mabuti upang maging mabuting ihemplo balang araw. Hindi ang kasulukuyang estado ng buhay ang magsasabi kung saan ang hangganan ng kanilang maabot. Hindi ang kanilang kamusmusan o kaya’y kahirapan. Gaya ng ibang bata, sila’y nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal mula sa pamilya, kaibigan o maging sa di kakilala upang mapabuti sa kahit anumang aspeto at di mapariwara ng landas.
                           
                                                                                                              -Tekstong Deskriptibo-


PAG-ABOT SA MGA BITUIN
Ni:Adrian Lim

Bawat tao ay merong pangarap, minsan ang pangarap natin ay nag bibigay saatin ng lakas. Walang sinuman ang maaring makapagpigil saiyong pangarap kung ikaw ay magpupursige o kung gusto mo talaga maabot. Walang madali sa pag-aabot ng pangarap, kailangan natin itong paghiripan.

Ako nga pala si Adrian, isang simple at mabait na bata, hindi gaano kagwapohan ngunit mapagmahal, simple lamang manamit at barbers ang gupit, medyo matangkad at kayumangi lamang ang kulay. At ang aking pamilya naman ay hindi ganoon kayaman ngunit may kaya. Sa loob ng aming bahay na tama lang ang laki, ako ay tumutulong sa aking mga kapatid sa pag gawa ng gawaing bahay at kung minsan nga ay ako pa ang nagluluto sakanila pero yung simple lang kasi hindi pa naman ako magaling sa pag luluto. At ako ay isang masayang nag aaral sa napakagandang paaralan ng San Rafael National High School sa Tigaon Camarines Sur.

Ang aking Pangarap ay maging isang magaling at mahusay na enhinero na kung saan marami akong magagawang mga gusali o kung anu pa man at ang aking kasuotan ay parang trabahador lamang at hindi nila alam na ako yung boss nila at hindi nila namamalayan na kapag may nagawa silang mali, naku lagot! sisisantihin ko na sila. Ngunit bago ko yan maaabot ay kailangan ko munang makapagtapos ng pag-aaral at yan ang aking unang pangarap. Gusto ko ring mag tayo ng sarili ko bisnes kapag ako ay matanda na ngunit hanggang sa ngayon ay wala parin akong naiisip na negosyo na pwedeng pag kakakitaan, pwede rin sanang resto bar na malaki at maraming ilaw dun sa manila dahil maraming tao dun at mabenta rin ngunit maraming gastusin, pwedeng ring isang bakery na may nakalagay sa taas ng aking malaki at magandang  tindahan na “ Gwapo ang may ari nito” at dahil dun ay marami ang bumibili sa mga masasarap na tinapay sa aking tindahan. Isa pa sa pangarap ko ay yumaman, dahil gusto kong makapagawa ako ng sarili kong bahay na malaki, simple lang kulay ngunit nakakamangha, kapag pumasok sa loob ng bahay para kang nasa paraiso/alapaap sa sobrang bango at linis nito, marami rin akong katulong, may swimming pool sa likod ng bahay at kasama ko ang aking pamilya na naliligo doon at nag eenjoy lamang kami parati.

Nahikaya’t akong mag pursige ang aking mgas pangarap dahil gusto kong mairaos ang aking pamilya at mabigyan ng magandang buhay ang aking mga magulang pag tanda nila at dahil narin siguro na ito ang dapat gawin at ito rin ang sinasabi ng aking kina loob loobang Puso. Malayo pa ang aking hahakbangin upang maabot ang aking mga pangarap sabi nga nila “walang elevator sa pagtatagumpay” pero naisip ko sana eskalator na lang ngunit bawal pa din pala kung kaya’t mag hahagdan na lang ako.

Kayamanan sa Bawat Hakbang sa Pilapil

            Ihip ng hangin na dumadampi sa aking mga balat at tinatangay ang ilan sa mga hibla ng aking mga buhok na animo’y nasa isang photoshoot. Paglalakad sa mga makikitid at paliko-likong mga pilapil habang nagmamasid sa mga kumikinang na tila mga gintong butil ng mga palay. Ilan lamang iyan sa mga karanasan ko tuwing dumadaan ako sa palayan kung saan sa dulo nito ay nakatirik ang nag-iisa, sementado ngunit hindi kalakihang bahay, ang aming bahay. Pamana pa ito sa amin ng aming Lola Delia nang sila’y lumipat sa Mabca,Sangay noong ako’y apat na taong gulang pa lamang.
            Bagaman nag-iisa ang aming bahay sa kadulu-duluhan ng palayan, bihira lang kaming makaranas ng may kinakausap na ibang tao at dama rito ang katahimikan ngunit masaya pa rin. Mula sa bahay, natatanaw ko ang mga sasakyang dumadaan, bumubusina at minsan pa’y humaharurot sa sementadong kalsada. Nakatutuwang isipin na masuwerte kami dahil malayo ang bahay namin sa mga polusyong ibinubuga ng mga sasakyang ito. Natatanaw ko rin ang kumikislap na mala-kristal at kulay asul na dagat ng Nato tuwing tirik na tirik ang bolang apoy sa kalangitan. Pati na rin ang pagsibol ng bukang-liwayway kasabay ang pagsikat ng araw ay aking namamasdan. Maraming malalaking puno ang nakapalibot sa aming bahay na mistulang sumasayaw kasabay ng presko at malinis na hangin. Ngunit sa kabilang banda, mga tuyong dahon ang nahuhulog sa mga ito araw-araw na akin namang winawalis at tinatapon sa aming maliit na compost pit upang hayaang mabulok. Inaalis rin namin ang mga damo sa tuwing ito’y kumakapal na sa palibot ng aming bahay. Marami rin kaming tanim na mga gulay sa aming likod-bahay tulad ng ampalaya, talong, okra, kalabasa, sitaw at gabi na itinintinda ng aking ama upang gamiting pantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
            Sa pagsapit ng takip-silim, makikita ko ang paglubog ng bolang apoy sa parte ng bundok ng Isarog. Nag-iiwan ito ng kulay kahel sa kalangitan na tuwing pinagmamasdan ko ay nakakawala ng pagod dahil sa kagandahan nito. Napakagaan sa pakiramdam na masilayan mo ang mga ito habang nakatayo sa pilapil ng palayan at pumapalibot sa iyo ang mga palay na ilang linggo pa ay maaari nang anihin. At sa tuwing madilim na akong umuuwi galing paaralan, dala ko ang maliit na bagay na laging nakapaloob sa aking bitbit na bag. Ito ang magsisilbing tanglaw ko sa kadiliman habang naglalakad sa mga pilapil. Kapag ako’y tumitingala, mamamasdan ko ang mga dyamanteng punong-puno at ‘di mabilang sa buong kalawakan na tila nangungusap sa aking mga mata. Nakakaaliw tingnan at pagmasdan ng mga ito na nagpawala ng aking takot sa gitna ng dilim.
            Kapag sumapit ang tag-ulan, hindi maiiwasan ang pagiging maputik ng mga pilapil dulot ng pagtaas ng mga tubig na umaagos mula sa isang ektarya ng palay patungo sa isa pang ektarya. Kinakailangan dito ang bota, isang uri ng sinusuot sa paa, upang makaiwas sa putik o kung ayaw mong mabasa ang iyong binti at mga paa. Maaari ring maglakad ng nakapaa upang maiwasan ang pagkadulas o pagkadapa na maaaring sumira sa iyong napakagarang damit pati na rin sa napakaganda mong araw. Kapag natapos na ang pagbuhos ng ulan ay magpapakita ang isang kurbadang tulay sa langit na may iba’t-ibang kulay at muli na namang gaganda ang kapaligiran. Magsisibalikan na rin ang bughaw sa alapaap at muling sisikat ang bolang apoy na magbibigay-init sa paligid at magpapatuyo ng mga basa dulot ng ulan.
            Tuwing sasapit na ang panahon ng anihan, dulot nito sa amin ay katuwaan. Bulto-bulto nang inaani ang mga gigintuing butil ng palay saka inilalagay sa sako upang ibenta o ipagiling upang gawing bigas. Makakapaghabulan na kami sa hilagang bahagi ng palayang pag-aari ni Mang Raul o kaya naman sa silangang bahagi ng palayan ni Mang Danilo. Sila ang nagmamay-ari ng mga palayang nakapalibot sa aming bahay. Makakapagmuni-muni na rin ako sa isang maliit na bahay-kubo na matatagpuan sa gitna ng palayan ni Mang Raul sa lilim ng puno ng Ipil-Ipil. Presko ang hangin dito at maririnig ang mumunting huni ng mga ibong lumilipad at dumadapo sa mga sanga ng  puno. Ang mga huning ito ang nagsisilbing musika sa aking pandinig na nakapagdudulot ng kaginhawahan sa pakiramdam, nakapag-aalis ng mga pangamba at nagbibigay-buhay sa bawat nilalang.
            Sa bawat hakbang ko sa pilapil, turing ko rito ay kayamanang biyaya ng Maykapal. Ang lahat ng aking namamasdan ay parang isang utang na ‘di kayang mabayaran ng kahit ilang salapi at hindi kayang matumbasan ng anumang materyal na bagay. Ito ay isang babasaging pinggan na kailangang ingatan dahil kapag nasira ay hindi na kayang ibalik sa dating porma.

Tekstong Deskriptibong isinulat ni:

Bianca Izabel Villanueva Labanon

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

          May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
          Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
          Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.
          Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.
          At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

Isinulat ni:
John Linarson Z. Napoles

            

Winasak Na Salita

          Sa bilyong taong nabubuhay dito sa napakalaki at napakalawak na mundo, ilang tao na kaya ang nabiktima ng linyang “Peksman, mamatay man?” o kaya ng “Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka.” O ng “Itatayo kita ng napakataas na bahay sakaling maging tayo.” Sus, grades mo nga hindi mo makuhang pataasin, bahay pa kaya? Alam ko na alam mo na mayroon pa rin talagang mga taong naniniwalang kayang mapagdikit ang Neptune at Mars o kaya nama’y  maibalik ang planetang si Pluto. Marami pa rin talagang mga taong madaling maniwala sa kung anong namumulaklak na salita na sinasabi ng isang tao lalo na kung ang taong ito ay ang higit na malapit sa kanya o ang mismong pinagkakatiwalaan niya. Napakamakapangyarihan talaga ng mga salita. Kaya nitong manghikayat, magpasaya/magpatawa, magpalungkot, mangsira at higit sa lahat, magpabago ng paniniwala ng isang tao.

           Lahat naman siguro tayo ay napangakuan na, at ang ilan sa mga ito ay maaaring natupad na, ang ilan naman ay hindi o kaya’y hindi pa. Sa mga taong nagsasabing hindi pa, umaasa pa rin ba yang naghihintay na puso mo o kaya’y pilit na pinapaniwala niyang makitid na utak mo na baka isang araw o sa makalawa o sa susunod baka sakaling gawin niya na? Mahirap hintaying mapuno ang butas na tabo, mahirap maghintay ng eroplano sa terminal ng bus. Sa madaling salita, mahirap ang umasa at mahirap ding sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung mangyayari talaga. Lalo pa kung umaasa kang gagawin ito ng taong minsan nang winasak ang salitang binitawan niya sayo.

          Napakaraming sitwasyon ang maaaring iugnay dito. Siguro nasabihan ka na ng isa sa klasmeyt mo na “gagawan ka ng assignment o kaya’y papakopyahin ka sa pagsusulit basta pakopyahin mo muna siya. Pero pagdating ng araw, makikita mo na lang siyang parang pagong na pilit na nagtatago at pawang binabalot ang sarili sa kadahilanang ayaw niyang ibahagi ang kahit isang letra o numero ng sagot niya.” Maaari ring sinabihan ka ng nililigawan mo na “Pasensya na, pero sabi kasi ni Nanay na bawal pa akong magpaligaw,” pero makalipas ang isang araw o mahigit, ayon at sumama na siya sa taong halos pagmamay-ari na ang buong mundo dahil sa magagarang sasakyang dala niya at nagniningningang mamahaling palamuti na bumabalot sa kanyang katawan, ngunit parang binagsakan naman ng langit at lupa ang pagmumukha. Nakakatawa ring pagmasdan ang mga bagong magkasintahan na halos hindi na mapaghiwalay dahil sa parang linta kung magdikit ang dalawa. May mga pagkakataon naman na parang aso at pusa kung mag-away, at minsan rin ay abot langit ang tuwa dahil sa kung anong mga paru-paro ang kumikiliti sa kanilang tiyan. Pero kapag lumipas na ang ilang buwan, halos mag-iwasan ang dalawa sa tuwing magkakasalubong. Walang pagbuka ng bibig at paggalaw ng mata ang makikita sa kanila. Aakalain mo na lamang na hindi talaga sila magkakakilala at kailanma’y hindi nagtagpo ang kanilang mundo. Ang saklap hindi ba? Pero palagay ko, wala na yatang mas sasaklap pa sa salitang “Pangako.”

          May taong minsan na ring nagbitaw sa akin ng salitang “Ikaw lang.” Hindi ko maipagkakaila ang katotohanang unti-unting gumuguhit sa labi ko ang ngiti sa tuwing maririnig kong sinasambit niya ang mga salitag iyan. Naniwala ako. Naniwala ako sa kanya dahil nakita ko rin sa nangungusap niyang mata na totoo ang sinasabi niya. Pinaniwalaan ko ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Ngunit sadyang napakamapagbiro ng tadhana. Ilang taon ang nakalipas, natuklasan at nakita mismo ng aking mata kung paano niya bigyang tunog ang bawat tawa niya sa tuwing kasama niya ang taong iyon.  Nasaksihan ko rin ang saya sa kanilang dalawa na minsa’y kami ang nakaramdam noon. Parang may kung anong karayum ang pilit na tumutusok sa loob-loob ko kapag nailalarawan ko sa aking isipan kung paano niya sinasabi sa akin ang salitang “Ikaw lang.” Ang hirap isipin na ang taong dating nagsasabi sayo nito ay ngayo’y pinapaniwala at pinaparamdam na iyon sa iba. Hindi ko makakalimutan ang araw na ipinagtapat niya sa akin ang lahat. Unti-unting nangingilid ang luha ko ng mga pagkakataong iyon habang hinihingi niya ang kapatawaran ko. Hindi ko na mabilang kung ilang salita na ba ang nagamit niya ngunit dalawang salita lamang ang naisauli ko “Okay lang.” Iyon ang dalawang salita na magpapaniwala sa kanya na tapos na. Dito ko napagtanto na hindi lang pala ang salitang winasak niya ang siyang wawasak sa akin kundi pati na rin ang salitang binitawan ko.

          Totoong napakamakapangyarihan ng mga salita dahil kayang-kaya nitong magkontrol sa kung anong dapat na maramdaman ng isang tao. Siguro napakadali lamang sa isang tao na magbitaw ng salita pero napakalaki ng impak nito sa taong nasabihan. Hindi biro ang bawat salitang iyong binibitawan dahil hindi lamang pagbabago sa nararamdaman ng isang tao ang maaaring maging dulot nito bagkus maaari rin nitong sirain ang ilang ulit ng pinukpok ng pako upang lalong tumibay gaya lamang ng relasyong hindi pa naghihiwalay. Ngunit kung ang salita ay maaaring makasira, maaari rin nitong tapalan ang nagdudugong sugat para madaling humilom. Maaari nitong maibalik ang dating nasira. Nasa sa atin lamang kung paano natin iingatan ang bibitawan nating salita.



Isinulat ni:                       
Mariel S. Bermejo      

Mundo ng Kamusmusan

         Sa paglubog at paglipas ng mga araw, sa pagdaan ng mga taon, unti-unti tayong nalilibang ng panahon sa mga bagay-bagay na nagiging dahilan upang tayo’y makalimot sa kasiyahang hatid ng ating kamusmusan. Ngunit kahit isang libong taon pa ang lumipas, lumain man ng panahon, sariwang-sariwa pa rin sa aking ala-ala ang mga panahon kung saan ako nakaramdam ng labis na kasiyahan. Mga panahong walang pakundangan ang aking pagtakbo sa masikip at maduming lansangan. Mga ala-alang naiwan namin sa bawat sulok ng luma, malaki at abandonadong bahay. Mga tawanan, iyakan, harutan na hanggang ngayon ay dinig na dinig ko pa sa ilalim ng mataas na puno ng kamusmusan. Ngunit masakit isipin na hanggang ala-ala ko na lamang magagawa ang lahat ng ito. Mga ala-alang puno ng kasiyahan, kalungkutan at kamusmusan.
        Papasok sa maliit, masikip at maruming eskinita, makikita ang pinaghalong balot ng kendi na nabili sa maliit na tindahan ni Aling Juliet at mga yupi at tuyong dahon na nagkalat sa maliit na espasyo nito. Kahit walong taon na ang nakalipas, nababakas ko pa rin ang sarili kong yapak na abalang-abala sa pakikipaglaro ng habulan sa mga kapwa kong musmos na walang tigil sa pagtakbo. Maiingay ang maliliit na boses na parang bolang tumatama sa magkabilaang dingding ng dalawang lumang bahay na kumokonekta sa masikip na eskinita.
             Sa dulo nito, makikita ang isang malaking bato na naging tambayan namin pagkatapos ng nakakapagod na paglalaro. Sa unahan nito, matatagpuan ang maliit na tindahan ni Aling Juliet kung saan mabentang-mabenta ang “banana cue” na binubudburan ng isang kutsarang asukal at iniluluto sa mainit at kumukulong mantika. Nabibili lamang sa halagang limang piso ang bawat isang piraso at kung masuwerte akong nabibigyan ng aking mga magulang ng pera, nakakabili ako ng apat na piraso na masaya naming pinaghahatian pagkatapos ng paglalaro.
            Sa paglubog na araw, magkakasunod na yapak ng mga tao na tinutungo ang iba’t-ibang direksyon pauwi sa kanilang munting tahanan ang tanging maririnig. Kasabay nito ang unti-unting paglakas ng nakakabinging huni ng mga kuliglig, hudyat ng unti-unting pagkagat ng dilim. Sa loob ng aming tahanan, makikita ang nakahandang pagkain sa ibabaw ng mesang yari sa puno ng Narra kung saan nagtipon-tipon kaming mag-anak upang pagsaluhan ang masarap na pagkaing nakalatag  dito. Habang masayang kumakain, nanonood kami ng popular na teleserye noon sa aming di-kalumaang telebisyon na nakapatong sa mesang may kulay tsokolateng disenyo na gawa sa kahoy at karaniwang nabibili sa “mall”. 
               Sa muling pagsikat ng araw, bandang hapon, maririnig muli ang masasayang yapak at maiingay na tinig naming mga musmos. Ngunit hindi ito patungo sa makitid na eskinita, kundi sa isang abandonadong bahay na may kalakihan at halatang napag-iwanan na ng panahon dahil sa lumang disenyo nito at butas butas na bubong. Hindi namin alintana ang lahat ng ito, matibay ang pundasyon ng bahay at maraming pasikot-sikot na siyang dahilan kung bakit ito ang napili naming lugar upang paglaruan ng tagu-taguan. Masasayang tawanan na halatang nage-enjoy sa paglalaro at mga maliliit na paghakbang ang tanging maririnig sa bawat sulok ng lumang bahay. Mga munting tinig, hagikhik na halatang pag-aari ng mga musmos. 
              Di matatawarang saya ang aking nadama sa bawat ala-alang hatid ng aking kamusmusan. Mga ala-alang puno ng tawanan, kulitan at kalokohan. Mga ala-alang mananatiling nakatatak sa aking isipan at hinding-hindi malilimutan kahit dumating pa ang panahon kung kailan ako ay uugod-ugod na, pumuti man ang lahat ng hibla ng aking mahabang buhok at maging marupok man ang aking buto. Masasabi kong ito ang pinakamasasayang araw ng aking kabataan kung saan ako ay isang musmos at walang ibang alam na gawin kundi ang maglaro at damhin ang saya at kagandahan ng buhay. 
           
                                                                                            
                                                                                               -Isinulat ni Jane A. Dominguez-

Sikreto ng Dilim

          Kapag sinabi nating dilim iba agad ang pumapasok sa isip ng mga tao sa kadahilanang hindi nila pinapalawak ang kanilang isip. Para sa ibang tao ang ibig sabihin ng dilim ay katahimikan. Dito ka lang namna kasi magkakaroon ng pagkakataong magmuni-muni, sapagkat napakaginhawa sa pakiramdam ng katahimikan na dulot ng dilim.
          Maraming bagay ang "mae-enjoy" natin sa dilim. sadyang napakakomportable naman kasi ng katahimikan dahil sa may oras ka nang mag-isa at gawin ang lahat ng iyong nais na walang kumokontra at humuhusga. Sino nga ba naman ang aayaw sa tyansang magpahinga sa katahimikan? Kailangan mo lang naman na alisin ang iyong takot upang makapagrelaks. Napakasimple nga naman ng dinudulot ng dilim ngunit lubhang nakakatuwa ang katahimikang ito. Posible itong makatulong sa iyong pag-aaral sapagkat maaayos nito ang iyong isipan, maging sa pag-ibig ay makakatulong ito. Katahimikang nakakabingi na hindi mo pagsisisihan dahil magagalak ka sa maitutulong nito sa'yo.
          Hindi man kaaya-ayang pakinggan para sa iba, wala naman silang karapatang manghusga dahil wala ka namang ginagawang masama. May posibilidad kasi na nag-iisip lamang ng solusyon sa problema ang isang taong nakatambay sa dilim. Mas napapalinaw at napapalawak kasi ng katahimikan ang pag-iisip ng tao, at makakamtan lamang ito sa dilim, wala naman talaga kasing maglalakas ng loob na mang-istorbo sa kagitnaan ng dilim. Malay ba nila kung anong meron ka kaya andun ka lang. Maaari kasing mayroon ka lang ng napakasarap na pagkain na ayaw mong ipamahagi sa mga kasamahan mo kaya nagtatago ka sa isang madilim na sulok. isang tyansa rin ang dilim para makapag "star-gazing" ang isang indibidwal o grupo ng magkakaibigan.
          Mahirap isa-isahin ang mga bagay na maaaring gawin sa dilim na hindi sinasamahan ng kalibogan. Dumedepende naman kasi sa isip ng tao kung anong papasok sa kanyang kokote pag narinig ang katagang "Sikreto ng Dilim." Dilim na kumakain sa liwanag pagsapit ng gabi, liwanag na nagdudulot ng ingay. Liwanag na literal na kasalungat ng dilim. Dilim na hindi nakakasilaw ngunit may pag-asang dala. Ang pag-asang padatinmg ng bukas ay maaayos na ang ating mga problema. Gabi na sobrang dilim na hindi man lang nila maaninag kahit konting pag-aalala sa ating mukha. Katahimikan tinatago ang ating tunay na nararamdaman.
         Tanging dilim na lamang ang ating makakapitan sa oras ng ating pangangailangan. Dilim lamang ang matitira nating sandalan. Ang diling na tatangay ng mga sama ng ating loob. Mga bagay na dilim lamang ang makakapagtago.                                                                                                                                Isinulat ni: KEAN REID ENCISO

Paraiso sa likod ng Sementeryo

         Sa unang yapak papasok sa bungangang pasukan ng tahanan ng mga yumao ay nakahimlay sa gilid ang isang higanteng bato. Bato na naihulma ng kamay ng tao at batong kinapapalooban din ng mga mas maliliit na bato. Ito ang patunay na bago pa man naging bunganga ng  sementeryo ang kalawakan ng lupang ito ay naging tirahan din ito ng mga ninunong pamilya ng barangay. Ganun din ang kalagayan ng mismong daan papasok sa sementeryong ito na dating nababalot sa damo at ngayo'y nakukumutan na ng maliliit at malalaking na butil ng mga bato. Nakahilera sa kanang bahagi ng daan ang nagpapaligsahan sa taas at lapad na mga punong kahoy na may edad waring hihigit na sa taong isang daan. Mistulang kurtina rin sa gilid na ito ang mga nakayakap sa matatayog na punongkahoy na simpleng halamang " Cadena de Amor " . Maliliit lamang na kulay rosas ang mga bulaklak nito at malayang nakikipagdayawan sa kamay ng mga hanging dumaraan. Tuwing mainit ang tirik ng araw ay mahilig itong pasyalan ng mga paru-parong hinuhuli naman ng mga batang naghahanap ng mapapaglubangan. Mayumi ang mga paru-paro sa taglay nitong iba't-ibang kulay, laki at ganda kaya't madaling naakit ang mga mata ng mga mapaglarong yagit na ito. Sa hulma ng imahe ay hindi masasabing isa itong lugar para sa mga patay sapagkat nakatira parin ang gandang naiwan ng buhay na nauna noon.
         Sa gawing kaliwa ay mahahagip ng mga mata ang kahabaang sakop ng taniman ng palay. Sa ihip na dala ng hanging paparaan ay  maaamoy ang umagang bango ng damo at palay na hinog na maaari nang anihin sa kalaunan. Hindi karamihan ang yabag na kailangang tatahakin, dahil sa pagitan ng mga dinaraanang bato't lupa na humuhulma sa daan ay mararating ang mismong sementeryo. Sa unang abot ng mata pa lamang ay iisiping iyon na ang dulo ng barangay. Nayayakap din kasi lamang ang sementeryo ng lupang sakahan at taniman ng mga palay ng bigas. Kung ililibot mo pa ang iyong mga mata ay maaabot ng iyong mga tingin ang distansya ng mga karatig na mga bulubundukin. Mapaglaro lamang ang kulay ng pinta sa laki ng himlayan ng mga patay ngunit kung walang takot mong lalakarin ang daang mapagturo ay dadalhin ka ng iyong mga paa sa lugar na kung tawagin ng mga taga roon ay "ibaba". May katirikan ang daan papunta roon at may kababawan ang damong nananahanan sa daan ngunit papasyalin ka kaagad ng mga mata mo sa natatagong makakalikasang ganda ng kalawakan ng lupang iyon. 
          Bahay ang lugar na ito ng samut-saring mga uri ng mga bumubungang kahoy tulad na lamang ng mangga, bayabas, santol at dalandan. Namamakod rin sa kapalibutan nito ang matatayog at payat na mga kahoy ng kawayan. Ingay lamang ng huni ng mga ibon ang maririnig pati rin ang mga nagpapagaspas na dahon sa daliri ng mga punongkahoy. Sariwa dito ang hangin at malaya itong naibubuga ng mga alapaap. Kung ipagpapatuloy mo ang iyong paglalakad ay makararating ka sa isang maliit at magandang elibadong lupa na may nakatayong kahoy ng punong amhe. Kapag narating mo ang puwestong ito ay maigi at malawakan mong mapagmamasdan ang kabuuan ng lugar. Maaari ring maupo ka sa lilim ng punongkahoy at tignan ang mga nagkakabitang mga ulap na nakabubuo ng imahe sa kabughawan ng kalangitan. Sa gawing hilaga naman ay matatagpuan ang kahabaan ng sapa na ang daanan ay waring katawan ng ahas ang hugis. Sa gitna nito ay makikita ang malaking batis na ginagawang labahan ng mga nakatira rito. Lumalabas lamang ang tubig mula sa isang malaking pusod ng lupa kaya kahit papaano ay presko ito't may kalinisan kaya't naaayong gamitin.
            Tatatlong pamilya lamang ang naninirahan dito. Sa simple ng buhay at natural na gandang taglay ng lugar, ay naiaahon nila kahit papaano ang kanilang mga sarili mula sa pagkagutom at kahirapan. Sa palibot ng kanilang mga bakuran ay nakakagat naman sa lupa ang nag gagandahang mga taniman ng gulay na mas presko pa sa mabibili mo sa pamilihan. Nandito ang mga pechay, kalabasa, talbos ng kamote, kamoteng kahoy, at gabi. Nag-aalaga rin ng mga baboy, baka, manok at pato ang mga tao rito. Para sa kanila, ang ikinabubuhay nila ay madaling naipipitas lamang mula sa kapaligiran kaya't malaking pakonswelo ito sa mga nakatira rito. Pakiramdam din nilang mas malusog ang kanilang mga buhay dahil sa hanging nalalanghap na nahahaluan ng bitamina ng kalikasan. Gawa lamang sa sawali ang dingding ng mga bahay dito kaya't tumatagos ang hangin hanggang sa kaloob-looban nito.
            Kasiyahan naman ang dala ng paraisong ito sa mga kabataang ipinanganak at lumaki sa kayamanan ng lupang ito. Sa laki ng kanilang mga bakuran ay magayak silang nakapaghahabulan at nakapaglalarong mas espesyal nilang maituturing kaysa sa mga kabataang nakatira sa labas ng lupang hindi na naaabot ng sementeryo. Gayunpaman ay walang takot nilang dinaraanan ang kahabaan ng daan ng sementeryo kung papasok at uuwi mula sa paaralan. Natural na ito para sa kanila at iyon lamang ang tanging daanan nila papalabas sa bakuran na kanilang kinalakihan. Nagiging tambayan din ng mga kabataang ito ang mga punongkahoy na mabilis nilang naaakyat sa ilang kisap ng mga mata lamang. Mahilig silang mamitas ng mga hilaw na mangga na malusog sa berdeng kulay at minsan nama'y mga dalandan na nagpapalakihan sa kabilugan nitong hugis. Tuwing gabi naman ay napupuno ng mga dyamante sa langit ang kanilang mundo at pinaghaharian ng bilog na gintong liwanag ang langit na balot ng kadiliman ng gabi. 
              Sa kabila ng nakasisindak na imaheng dala ng sementeryo sa lugar na ito ay may portal naman itong daan patungo sa isa pang lugar na huling kulay ng dating kapanahunan sa katangi-tanging barangay na kinahihimlayan. Hindi mo agad ito mahahanap sa unang paglalakbay ng mga mata ngunit, kung palalawakin mo ang iyong isipan ay mararating mo ang lugar na kung tawagain nila ay ibaba. Ito ang tunay na kayamanang nakatago sa likod ng sementeryo't mga kahoy pati mga halamang nais protektahan ang magandang litratong halos perpektong taglay ng lugar. Hindi man kanais-nais sa kuweba ng tainga ay matatawag mo itong Paraiso sa likod ng Sementeryo.
           
                                                                                            
                                                                                               -Isinulat ni Bryan Pacao -
Di  Mabayarang Pagmamahal
           
            "Bakit gabi ka na naman umuwi? Saan ka na naman galing? Nagsaing ka na ba? Para kang may katulong, Linisan mo na yan!" Iyan ang walang katapusang linya ni nanay araw-araw na halos maisaulo ko na. Kulang na nga lang na iyan na ang maisagot ko sa mga pagsusulit namin sa paaralan. Para bang isa itong ritwal na kailangan kong matanggap mula sa kanya. Ngunit kaakibat naman ng mga salitang iyan ang linyang, "Bibi, kain kana. Huwag magpapagutom baka magkasakit ka." Sa ganitong sitwasyon, hindi ko maiwasang palihim na mapangiti dahil, dito nararamdaman ang kanyang pagkalinga't pag-aaruga. Alam ko rin na sa likod ng mga sermon niya nakatago ang tunay at dalisay na pagmamahal ng isang ina.
            Nanay, inay, mama, mommy, ermats, mudra kahit ano pa ang tawag natin sa babaeng nagluwal sa atin, sila pa rin ang pinakamagandang biyaya mula sa Diyos. Ang biyayang may angking dakilang pagmamahal na hindi kayang tumbasan ng kahit na anong halaga. At ang pagmamahal na ito ang nagbigay buhay sa atin. Ang pagmamahal na walang pinipili, mamahalin ka maging sino ka man. Ganyan ang pagmamahal ng isang ina. Ito'y hindi rin naghahangad na mahalin siya, kahit na galit, inis o pagkamuhi pa ang isauli ng kanyang anak, patuloy pa rin ang pagmamahal nito sa kanya. Sa katunayan isa rin ako sa mga anak na nagalit  sa sariling ina.
            Sobrang pagkamuhi ang aking naramdaman noong panahong may problema kaming pinagdaanan, sa kadahilanang hindi ko gusto ang nagawang desisyon ni mama. Ang desisyong nagpa-alab ng galit sa puso ko na siyang dahilan ng paglisan ko sa aming tahanan. Pumunta ako noon sa lugar na milya-milya ang distansya mula sa kanya. Sa lugar na wala siya. Walang inang mag-aasikaso, magluluto, mag-aalaga at magmamahal sa akin. Gayunpaman, tiniis kong mabuhay sa panahong iyon na wala siya. Sa loob ng dalawang buwan, dumaan ang araw ng mga ina o ang Mother's Day at hindi man lang siya nakatanggap ng bati mula sa akin. Kinain ng sobrang galit ang puso ko, kaya hindi ko nagawang magparamdam sa kanya, kahit text o tawag man lang. Alam ko ring labis na pag-aalala ang nararamdaman niya, dahil araw-araw niya akong pinadadalhan ng mga mensaheng, "Nasaan ka? umuwi ka na dito sa bahay. Nag-aalala na ako sayo. Miss na kita. Mahal na mahal kita anak." Ito ang mga salitang nagpalambot ng puso kong bato at ang pumatay sa lumalagablab na galit ng puso ko. Kaya sa araw ng aking pagbabalik, ang puso't isip ko ay puno ng pag-aalinlangan kung tama pa bang bumalik ako. "Tatanggapin niya pa kaya ako? Mahal niya pa ako?", iyan ang mga katanungan na gumugulo sa isip ko. Ngunit naglaho ito noong makita ko ang isang pamilyar na babae, na nakatayo sa bukana ng aming tahanan. Kitang-kita ko ang mga kislap ng kanyang mga mata noong dumapo ang kanyang paningin sa akin. Agad niya naman akong sinalubong at binigyan ng isang mahigpit na yakap kasabay ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Wala akong naramdamang galit o kahit konting pagkamuhi mula sa kanya, tanging pagkalinga't pagmamahal lamang. Sa kabila ng mga sakit at pahirap na naiparamdam ko sa kanya, tinanggap at minahal niya pa rin ako.
            Tunay ngang hindi nagbabago ang pagmamahal ng ating mga ina. Kahit gaano pa kasakit ang naidulot natin sa kanila, walang labis at walang kulang pa rin kung magmahal sila. Makalimutan man o talikdan natin sila, nariyan at nariyan pa rin sila naghihintay sa pagbabalik ng kanilang mga munting anak. Hindi natin makikita sa iba ang ganitong uri ng pagmamahal, tanging sa ating mga ina lamang. Kahit nakakarindi na talaga pakinggan ang mga paboritong linya nila sa sermon, mahal na mahal pa rin nila tayo at hindi na iyon magbabago pa. At ito ang pagmamahal na hindi nating kayang bayaran.  Kaya naman suklian na lamang natin ito ng pagmamahal na nararapat rin para sa ating mga ina.


                                                                                                Isinulat ni: Bianca Louise B. Bea
Traysikel:
Karwahe sa Byahe ng Buhay

Sa gitna ng “peep-peep” ng mga mamahaling kotse, mga naglalakihang bus at trak, at mga pampasaherong dyip, “broom-broom” ng iba’t ibang humaharurot na motorsiklo, at iba pang malalakas at halo-halong busina at ungol ng sari-saring mga sasakyan, may isang ordinaryong  behikulong nakikisabay din sa mga sasakyang ito na tanging nakaagaw ng aking pansin. Isang pangkaraniwang behikulo lamang sa paningin ng iba ngunit para sa akin ang traysikel na ito ay isang karwahe sa bayahe ng buhay ng aming pamilya.
Isang musmos na bata pa lamang ako, pag-aari na ng aking uliran at butihang ama ang isang kulay puti na may halong kulay- dalandang Kawasaking traysikel. Isang traysikel na may kulay pulang upuanna kung saan makakaupo ka nang kumportable dahil sa kalambutang taglay nito, at may nakasulat na “OBIAS Family” sa unahan. Ang traysikel na ito ay isa sa pinagkukunang kabuhayan ng aking ama sa pamamagitan ng walang kapagurang pamamasada niya gamit ito. Bukod sa pangkabuhayang handog nito, ang traysikel ding ito ang siyang saksi sa byahe ng buhay ng aking pinakamamahal na pamilya. Kasabay nang pagtahak ng traysikel na ito sa maayos at sementadong daan, ang pananatiling ligtas, buo at masaya ang aming pamilya. Saksi ang traysikel na ito sa mga panahong pagmamahalan at kasiyahan parin ang naghahari sa aming pamilya. Gamit ang traysikel na ito, nakakapasyal kaming buong pamilya at nakapagliwaliw kami kahit saan tulad na lamang sa mga magagandang dalampasigan sa aming bayan at iba pang pasyalan sa mga karatig- bayan. Sumagi sa aking isipan ang alalang ito, na kapag naririnig na naming magkakapatid ang malakas at pamilyar na ungol ng makina nito dulot ng pagpapaandar ng aming ama ay magtatakbuhan na kami papunta rito at maingay na mag-aagawan ng pwesto na siyang aming uupuan habang tinatahak naming ang hindi naman kalayuang daan papunta sa bahay ng aming lolo at lola na nasa karatig-sitio lamang.
Hindi lamang mga masasayang kabanata ng aming buhay ang nasaksihan nito kundi pati na rin ang parte ng aming buhay kung saan nakaharap naming ang iba’t ibang dagok na parang unos na dumating sa aming pamilya. Isa na rito ang pagkawala ng lisensya ng aking ama na nagging dahilan upang malimitahan ang rutang maaaring puntahan gamit ang aming traysikel. Dahil din dito nagsimulng dumating ang iba pang problema na siyang naging dahilan upang tuluyan ng magbago ng 360-digri ang aming pamumuhay. Naalala ko noon na muntik ng mawala sa amin ang aming pinakamamahal na traysikel dahil na isipan ng aming mga magulang na isangla ito, buti na lamang at nakahanap ng ibang paraan ang aming ama upang masolusyonan ang aming problema. Bukod sa problemang iyon, isang napakalaking dagok sa aming pamilya ang dumating na siyang nasaksihan ng aming traysikel. Gamit ang traysikel na ito, naihatid ng pabalik- balik sa ospital ang aking nakababatang kapatid dahil sa dinaramdam nitong malubhang karamdaman. At napakalungkot isipin na ang sasakayang ding ito ang nagging karwahe upang maiuwi sa amin ang maputla, malamig at walang buhay na katawan ng aking nakababatang kapatid na siyang munting kerubin  ng aming pamilya. Isang napakalungkot na pangyayaring bumabalik sa aking memorya sa tuwing mag-isa akong nakaupo sa pulang kutson ng aming munting traysikel.
Napakahalaga ng traysikel na ito sa aming pamilya dahil sa mga hindi makakalimutang alaala na naipon naming dito. Ngunit totoong kahit gaano pa man kahalaga ang isang bagay, may mga pagkakataong kailangan nating itong isuko para sa ikabubuti ng lahat. Tulad na lamang ng aming traysikel na itinuturi naming kayamanan  na puno ng mga alaala ng mga karansang pinagdaanan ng aming pamilya, na isinakripisyo ng aking mga magulang kahit alam naming napakalabag sa kanilang kalooban upang masuportahan lamang kami sa aming mga pangarap. Ngunit kahit wala na sa amin ang traysikel na ito, ang mga alaala nito ay patuloy parin naming itatago at iingatan ng buong puso.
Isinulat ni: PHOEBE F. OBIAS 


Biyernes, Nobyembre 25, 2016

“Kaibigan: Kabalikat ng Buhay”


            Para sayo, ano ba ang isang kaibigan? Anong klaseng kaibigan meron ka, mabubuting kaibigan o masasama, mapagkakatiwalaan ba o hindi, tunay na kaibigan o hindi? Kung may kaibigan ka, gaano ba sila kabuti sa iyo? Tanggap ka ba nila kung sino ka? Natutulungan ka ba nila? Nandyan ba sila palagi sa tabi mo sa oras  ng iyong pangangailangan? At higit sa lahat tunay ba sila sayo? Nagkaroon ako ng maraming kaibaigan, pero hindi lahat ay naging mabuti sa akin. Naranasan ko rin ang mabully. Pero ito ay wala kompara sa mga tunay kong kaibigan na nagging malaking parte ng buhay ko.
                        Noong ako ay Junior High School pa, naranasan ko ang magkaroon ng malaking problemang nagkapatung-patong at dumating sa puntong na hindi ko na alam ang gagawin ko. Noong Grade 10 ako, ako ang Vice-President ng organisasyon na Yes-O/Science Club at President ng organisasyon na Math Club sa aming paaralan. Nagkataon na nagkaroon ng sabay  na proyekto at activity ang parahong organisasyaon. Mas nabuhos ko ang aking oras sa Math Club kaya naman hindi ko nagawa ang responsibilidad ko bilang vice-president sa Yes-O kaya naman napagalitan at napagsabihan ako. Kitang-kita ko ang gigil at inis sa kanilang mukha, habang pinapagalitan at pinagsasabihan nila ako. Yumuko na lang ako sa harap nila. Sa puntong iyon, takot at kaba ang nabuo sa aking puso. Kapalit ng nagawa ko ay mabigat na trabaho naiwan nila.
Kasabay nitong problema ay ang mga bayarin sa aming paaralan. Pera, perang pambili ng mga libro, pambayad sa miscellaneous fees, kontribyusyon, activities, at iba pa. Sa mga oras rin nayon ay kinakapus ang pamilya ko sa pera kaya naman nahirapan ako sa pag-aaral. Kasabay pa nito, ay ang paulit-ulit na pagpapaalala ng guro namin sa research. Kaya habang naglalakad ako at nakita ko ang guro namin na papalapit sa akin ay takot at kaba ang nararamdaman ko kaya mabilis akong tatago, at kapag nakaalis na siya ay anong ginhawang nadadama ko sa aking kalooban.
Dahil sa mga problemang ito, napuno ang isip ko ng pangangamba. Naisip ko rin na baka bumagsak ang mga grado ko sa iba’t ibang asignatura. Mga pangangambang na dulot ng mga problemang hindi matapos-tapos.
Pero ang mga problemang ito ay napawi dahil sa mga taong nagsilbing kabalikat ng buhay ko. Nandyan sila noong kailangan ko ng katuwang sa trabahong naiwan sa akin dahil sa hindi ko pagtulong. Ang mga kaibigan ko ang tumulong sa akin para mabayaran ko ang mga bayarin sa aming paaralan.  Sila rin ang naging katuwang ko sa paggawa ng aming Research. Higit sa lahat nandyan sila para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.
Kaya laki ang pagsasalamat ko sa puong may kapay sa pagbigay sa akin ng mabubuti, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat ay nadyan palagi sa aking tabi sa oras ng aking pangangailangan.
Isinulat ni:
JEROME C. PENSICA