Lamig ng
panahon na ating nadarama at ibat-ibang kulay sa bawat tahanan, parke, simbahan
ay masisilayan. Maraming paghahanda sa isang pagdiriwang na lubos na inaabangan
ng lahat. Problema, kalungkutan at pighati ay bigla na lamang lalaho kung
malapit ng sumapit ang pag diriwang na ito.
Kinagigiliwan
ko ang pag sapit ng pasko. Buwang ng nobyembre pa lamang ay nasa isiisip ko na
ang mga paghahanda ko. Ang paggamit ng mga material na bagay ay nag sisimbolo
na malapit na ang pasko. Ang pag aayos ng aming tahanan sa pamamagitan ng
pagtatayo ng christmas tree at pag lalagay ng mga christmas lights ay ilan
lamang sa aking mga preparasyon. Ngunit para sa akin hindi mahalaga ang
magarbong dekorasyon, sapat na sa akin ang maayos ang makulay na tahanan.
Isang
araw lamang ang pagdiriwang ng pasko, ngunit mahabang panahon ang nilalaan ko
ditto sa kadahilanang pinaka importante ang pinagdidiwanan nito. Marami akong
nasisilayan na mga Gawain na may koneksyon sap ag sapit ng pasko. Nariyan ang
mga nangangaroling at pastora na kinabibilangan ng ibat-ibang lebel ng tao, mga
matatanda o bata. Kinagawian ko rin na mag bigay ng pera sa mga batang
nangangaroling dahil itoy aking tulong at handog para sa kanila. Ang pag
diriwang na ito ay hindi lamang umiikot sa ganitong bagay. Isinasabuhay ko rin
ang pag simba sa loob ng sampung araw na kung tawagin ay misa de gallo.
Kinasasabikan ko ang misa na ito, dahil sama-sama kami ng aking mga magulang
sap ag simba upang makapag pasalamat sa mga biyaya na ibinibigay ng puong
maykapal. Sipleng salo-salo ay naka handa rin sa aming lamesa na kadalasang
tinatawag na noche Buena. Kasayahan ang aking nadara sa mga oras na iyon, dahil
sa aming pagkakaisa mas lalong nadarama ko ag totoong diwa ng pasko. Hisdo ko
rin makakalimutan ang regalo sa aking mga kapatid at magulang maging material
amn ito o bukal sa aking kaluoban.
Pagmamahalan,
pagkakaisa, at kapatawaran ang layunin na aking tinatatak sap ag diriwang na
ito. Walang sawang pag bibigay sa kapwa ng kinagawian ko na rin. Pagpapasalamat
sa mga biyaya at sa buhay na ibinigay ng dakilang ama ang pinaka sentro ng pag
diriwang na ito.
Isinulat ni: Marigold Clavo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento