Huwebes, Nobyembre 24, 2016

Ang Bagsik ng Bagong Sibol na Agila


                Kabataan ay itinuturing na sagisag ng pagiging Pilipino, katulad ng pambansang ibon na agila na may lakas at bagsik ng bagong sibol sa isang henerasyon. ibong malayang ipahiwatig ang nasasaloob at may malawak na kaisipan tungo sa kaunlaran.
Kabataan ay may dala ng kaunlaran at ikagaganda ng isang bansa. Bawat kabataan sa bawat henerasyon ay siyang sikat ng araw na nag bibigay liwanag sa san libutan.
Kabataan na pang isang agilang singbagsik ng kidlad at singtalas ng teleskopyo ang mga mata na may malayang mag tuklas at may matalas na kaalaman na siyang magbibigay sulosyon sa bawat suliraning nararanasan ng isang bansa.
Ang agilang malakas at mataas ang lipad sa kalangitan na may malayang iparating ang saloobin, mga kabataan na may matayog na mithiin, mithiing may puso nag nagbibigay pagmamahal sa bawat gawain. 
          Kabataang pinoy pag-asa ka ng buong mundo. Mundong umaasa sa may mga mapanuring at mapanuklas na isip. Agilang iyong maaasahan sa oras ng iyong kagipitan, liliparin ang himpapawaid ng problema at makikipaglaban sa gyera ng pakikipag talastasan.



Isinulat ni: Mary Jo Prado

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento