Sabado, Nobyembre 26, 2016

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

          May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.
          Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.
          Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.
          Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.
          At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

Isinulat ni:
John Linarson Z. Napoles

            

25 komento:

  1. Hindi lang sa ilalim ng lupa matatagpuan ang ginto, matatagpuan din natin ito sa ating paligid katulad ng ating kalikasan dapat natin ingatan.....napakahusay ng yong sulat ipagpatuloy mulang yan...

    TumugonBurahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. Cringe ng mga comment ambobo ng mga puta

    TumugonBurahin
  4. Paano ipinapakita sa akda ang pagkakasunod-sunod ng impormasyon?

    TumugonBurahin
  5. Ano ang katangian ng teksto na iyong sinulat?

    TumugonBurahin
  6. Hindi dapat ito gawing biro pag aaral po ito Hindi paglalaro😊

    TumugonBurahin
  7. kailangan natin makita na hinde lang sa ginto makikita ang mahahalaga at kailangan natin sa ating buhay o pang araw araw

    TumugonBurahin