Huwebes, Nobyembre 24, 2016

Hagdan sa Kasalukuyan

Malabutil ng pawis na nag sisipatakan, nangingnig na mga kamay, nangangatog na mga tuhod na tila hindi na makapaglakad ng maayos, at puso’y animoy sasabog sa sobrang bilis ng tibok dahil sa kaba, takot at halo-halong emosyon ang lumalamon sa aking buong katawan ang aking naramdaman ng una akong naglakad sa gitna ng hindi na mabilang-bilang na mga mata na nakatingin saamin ng direkta na tila ba nag hihintay kung ikaw ay matitisod o madadapa sa hakbang na iyong ginagawa.

Isa ako sa mga lector sa aming parokya na nasa sentro ng San Jose na nasa kaliwang bahagi ng munisipyo. Tuwing sabado habang ako ay mahimbing na natutulog sa aking napaka lambot na kutson, namamaluktot sa lamig gamit ang aking aking maliit na kumot. Linalasap ang kaisipan ng hindi ko kailangan bumangon ng maaga dahil sa walang pasok. Babasagin ang aking katahimikan ng nakagugulat at nakagigising ng tunog galing sa aking maliit at kulay itim na relo na nasa kaliwang parte ng aking kama. Para kang binuhusan ng napaka lamig na tubig sa kalagitnaan ng iyong napakasarap na tulog at talagang nabuhay ang iyong natutulog na lamang lupa dahil sa lakas nito na nagpapaalala ng kahit araw ng sabado kailangan kong bumangon ng maaga para sa aming tuwinang pagtatagpo.

Habang naglalakad ako sa gitna ng tila walang katapusang lakaran maliban sa mga taong hindi ko maintindihan kung ano ang nilalamanan ng kanilang isipan, kung masaya ba sila o hindi dahil ako na naman ang nasa kanilang harapan at pipiliting pakinggan, altar sa aking harapan ang aking nagiisang sandigan. Nakakasilaw na mga ilaw at tila tutuong imahe ng nakapakong Jesus ang aking nakikita na siya lamang nagpapalakas sa aking nangangatog na mga tuhod at dibdib na tila sasabog.

Nagdadalawang isip kung akoy tatapak sa kwadradong bagay na nasa aking paanan bago ko tuluyang basahin ang bibliya sa nakapatong sa ibabaw ng ambo na nasa kanang bahagi ng altar. Nanginginig at pawis na pawis na kamay ang ipinang susunod ko sa aking binabasa, at pumupilipit na dila at tuyong lalamunan na tila ba may bumabara dahil sa tension at kaba na nabubuo sa loob ng aking kaninang kalmadong katawan. Habang patuloy kong binabasa ang malabo at maliliit na sulat sa lumang libro unti-unti na ring nawawala kaba at tension, unti-unti na rin gumagaan sa kalooban. Ang ganitong pakiramdam ay nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon, kahit na mahigit isang taon na ako sa organisasyon. At mararamdaman ko pa rin hanggang sa mga susunod pang taon dahil ang pakiramdam n ito ay hindi kalian man mawawala hindi ko rin kailangang sanayin ang sarili ko dito natututo lang ako kung pano ito panghawakan.


Isinulat ni: Anabelle Ramirez

3 komento: