Huwebes, Nobyembre 24, 2016

KATIWASAYAN SA KADILIMAN

                     Kadiliman? isang salita na may maraming kahulugan at simbolo ng mapapait na alaala, karanasan, kalungkutan atbp. Ang kadiliman ay may mga klasipikasyon ngunit isa sa mga ito ay mahahanap mo ang katiwasayan. At ito ang kadiliman sa paligid sa paligid na matatagpuan natin ang katiwasayan ng ating kalooban.
                      Dahil may nagagawa o may naiisip tayo na sa kadiliman ng paligid lang natin nagagawa. Kapag tayo ay may problem at kung minsan ay hindi na natin alam ang gagawin. Nakakapag bigay ginhawa ang kadiliman dahil sa katiwasayan ng paligid sa kulay nito. Nararamdaman natin na tayo lang sa mundong ito. 
                      Ang kadiliman ay simbolo rin ng katahimikan at dito ang tamang oras para makapagisip ng mga bagay bagay na padedesisyonan. Hindi porket kadiliman ay wala itong kapayapaan bagkus ito ang simbolo ng katahimikan at kapayapaan.
                      Dahil ang kadiliman ay hindi kasamaan. Ito lang ay parte ng mga malilikhaing kaisipan ng ta. Kaya kung ating susuriin hindi simbolo ng kasamaan ang kadiliman bagkus ito ay deskripsyon ng katiwasayan. Nakakapag dulot rin ito ng magandang bunga. 
                     Dahil ito ang nagiging dahilan sa pag iisip ng malalim ang tao at paglutas ng mga problema. Kasi kapag tayo ay nasa kadiliman ng paligid na rerelaks ang utak natin dahil sa katahimikang taglay nito. Taglay rin nito ang kakayahang makapagparamdam na parang nagiisa. At dito rin ang lugar kung saan ay protektado tayo. Dahil sa kapaligiran nito na parang kanlugan na hindi ka papabayaan at ating nagiging sandigan upang makapagisip ng mga bagay bagay na hindi natin nagagawa sa kaliwanagan. Dahil sa kawalan ng katiwasayan nito ay kumpurtable tayo.



         TEKSTONG DESKRIPTIBO:
            Isinulat ni: Mikko D. Abanes

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento