Huwebes, Nobyembre 24, 2016

ANG MAPAGLARONG NGITI NG ISANG INA



            Ang ngiti ay isa sa mga magagandang tanawin na makikita natin mula sa mukha ng isang tao. Mga mapupulang labing humuhugis arko sa bawat pagkakataon na magkakausap kami at mga matang nagpapahayag ng mga kaaya-aya at masasayang karanasan na tila nag-uutos sa akingmga labi na gantihan rin ito ng matatamis na ngiti. Ngunit sa likod pala ng nakahahawang ngiting ito ay may kumukubling kalungkutan at kahirapan na nadarama ang aking ina. 

                        Sa pagbungad pa lamang sa pintong binabalutan ng putting pinta ng aming tahanan ay masisilayan na rito ang aming sala. Sa gitna nito ay naroon nakapwesto ang malaking telebisyon napinaliligiran ng tatlong malalambot na sofa. Ito ang lugar sa loob ng aming bahay kung saan kami ay sama-samang nanunuod at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa buong araw. Dito rin naming paulit-ulit na pinakikinggan ang kwento ng aking ina. Musmos pa lamang ako nang simulang marinig ito ng aking mga tenga. Sabi nito, simula pa lamang nang malaman niyang dinadala niya ang panganayna anak nila ni Papa ay labis na kagalakan na ang kanilang nadama, at labis pa itong nadagdagan nang kaming mga sumunod pang mga anak ay ibiniyaya sa kanila ng Panginoon. Bakas sa mga mata nito na tunay ang bawat salitang kaniyang sinasambit. Hindi lamang iyon kundi marami pang ibang masasayang pangyayari ang ikinikwento sa amin na hindi ko na lubos matandaan sapagkat ako’y napakabata pa nang mga panahong iyon.

                        Sa loob ng ilang taon simula nang iluwal ako sa sinapupunan ng aking ina, kailanma’y hindi ko naramdaman na nagkaroon kami ng kahit isa man lang na problema. Ito ay sa kadahilanang sa bawat pag-uwi naming magkakapatid mula sa aming pribadong paaralan ay sinasalubong kami ng isang babaeng mula sa malayo ay amin ng natatanaw. Ito ay may tama lang na tangkad, medyo matabang katawan, maikling mga buhok na nagbibigay hugis sakanyang mukha na nakatayo sa tapat ng aming trangkahan na may galak at ngiti sa kaniyang mga labi. Sapagbaba ng sasakyang humahatid-sundo sa amin ay magiliw siyang lalapit upang halikan kami isa-isa sa aming mga noo at matapos ay sasabayan kaming lalakad papasok sa aming tahanan. Hindi mababakas sa mga mukha nito ang pagod resulta sa buong araw na paglilinis ng bahay.

Akala ko maayos anglahat, akala ko walang problema, akala ko kami na ang pinakaperpektong pamilya, ngunit ang lahat ng ito ay isang maling akala lang pala. Isang beses nang mapaaga ang aking pag-uwi, hindi ko inaasahan ang aking madadatnan. Papalapit pa lang ako ng pinto, narinig ko na ang hagulgol ng aking ina. Nabalot ng tanong ang aking isipan. Hindi ko alam ang aking gagawin. Binuksan ko ang kahoy na humahadlang upang makita ko ang hinagpis na nadarama ng aking ina. Bawat hikbi, bawat patak ng mga luhang sumisimbolo ng kalungkutan na dumadaloy sa maputing pisngi nito ay siya rin ang bawat kirot na nadarama ng aking puso. Halata sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang Makita niya ako. Dali-dali niyang pinunasan ang likido sa kanyang mukha at sa muling pagkakataon ay nagkaroon na naman ng hugis ang kanyang mga labi. Muli itong ngumiti na tila wala siyang sakit na nadarama. Ngunit hindi maitatago ng kanyang bilugang mga mata ang hinagpis sa mga ito. Dito ko nalaman ang balita na nagpabago ng amingbuhay. Ilang taon na pala nang malaman niya ito at ilang taon na rin siyang nagdudusa dahil dito. Ni isang beses hindi pumasok sa aking isipan ang ganitong pangyayari sa aming buhay dahil sa bawat ngiting ibinibigay saamin ng aming ina. Labis akong nasasaktan ng mga oras na iyon kaya’t siya’y aking hinagkan.

Sa mga pangyayaring iyon ay natauhan ako. Natutunan ko na hindi lahat ng ngiti ay saya, hindi lahat ng tawa ay tuwa at hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo, sapagkat may pagkakataon na puso lamang ang makakadama nito. Simula noon ay hindi na ako muling nagpalinlang pa sa mga ngiting ipinapakita ng aking ina. Hanggang ngayon ay ikinukubli niya pa rin ang lungkot sa kanyang mga ngiti ngunit bago ako maniwalang muli ay tinititigan ko muna ito sa kanyang mga mata. Marahil ito ay kaniya lamang paraan upang patuloy na maging matatag, ang makita kamingmasaya. Kaya’t para sakaniya, kami ay magpapakatatag rin.



Isinulat ni:
JOVELYN OBIAS

29 (na) komento:

  1. Mga Tugon
    1. Pաɖɛ ռʏօ քօ ɮa ɢaաaռ ռaռɢ ʀɛaċt aռɢ ɢɨռaաaռɢ ɦaʟɨʍɮaաa

      Burahin
    2. Pahinga po ng reaksyon sa ginawang halimbawa

      Burahin
  2. ang ganda talaga ni kristine jardeleza!!!

    TumugonBurahin
  3. Bakit ang ganda kooooooooo????????

    TumugonBurahin
  4. Ano Yung backstory bat umiyak yung ina?

    TumugonBurahin
  5. huhuhuhuhuhhuuhuhhuhhuhuuuhhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuuuhuhuhuhuhuhuhuhuhuuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuuh

    TumugonBurahin
  6. Sa lahat na nag tataka sa background ng ina alalahanin na mi isa walang detalyeng inilahad tungkol sa ama ng magkapatid

    TumugonBurahin