Huwebes, Nobyembre 24, 2016

Kasiyahang Muli kong Binabalikan


Lamig ng panahon na ating nadarama at ibat-ibang kulay sa bawat tahanan, parke, simbahan ay masisilayan. Maraming paghahanda sa isang pagdiriwang na lubos na inaabangan ng lahat. Problema, kalungkutan at pighati ay bigla na lamang lalaho kung malapit ng sumapit ang pag diriwang na ito.
          Kinagigiliwan ko ang pag sapit ng pasko. Buwang ng nobyembre pa lamang ay nasa isiisip ko na ang mga paghahanda ko. Ang paggamit ng mga material na bagay ay nag sisimbolo na malapit na ang pasko. Ang pag aayos ng aming tahanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng christmas tree at pag lalagay ng mga christmas lights ay ilan lamang sa aking mga preparasyon. Ngunit para sa akin hindi mahalaga ang magarbong dekorasyon, sapat na sa akin ang maayos ang makulay na tahanan.
          Isang araw lamang ang pagdiriwang ng pasko, ngunit mahabang panahon ang nilalaan ko ditto sa kadahilanang pinaka importante ang pinagdidiwanan nito. Marami akong nasisilayan na mga Gawain na may koneksyon sap ag sapit ng pasko. Nariyan ang mga nangangaroling at pastora na kinabibilangan ng ibat-ibang lebel ng tao, mga matatanda o bata. Kinagawian ko rin na mag bigay ng pera sa mga batang nangangaroling dahil itoy aking tulong at handog para sa kanila. Ang pag diriwang na ito ay hindi lamang umiikot sa ganitong bagay. Isinasabuhay ko rin ang pag simba sa loob ng sampung araw na kung tawagin ay misa de gallo. Kinasasabikan ko ang misa na ito, dahil sama-sama kami ng aking mga magulang sap ag simba upang makapag pasalamat sa mga biyaya na ibinibigay ng puong maykapal. Sipleng salo-salo ay naka handa rin sa aming lamesa na kadalasang tinatawag na noche Buena. Kasayahan ang aking nadara sa mga oras na iyon, dahil sa aming pagkakaisa mas lalong nadarama ko ag totoong diwa ng pasko. Hisdo ko rin makakalimutan ang regalo sa aking mga kapatid at magulang maging material amn ito o bukal sa aking kaluoban.
          Pagmamahalan, pagkakaisa, at kapatawaran ang layunin na aking tinatatak sap ag diriwang na ito. Walang sawang pag bibigay sa kapwa ng kinagawian ko na rin. Pagpapasalamat sa mga biyaya at sa buhay na ibinigay ng dakilang ama ang pinaka sentro ng pag diriwang na ito.


Isinulat ni: Marigold Clavo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento